Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy

Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy

- Inalmahan din ni Ogie Diaz ang umano'y producer ng show nina Gigi De Lana at kanyang banda, kasama sina MC Muah at Lassy sa Doha, Qatar

- Sinasabing kabi-kabilang aberya ang dinanas ng grupo kamakailan lamang

- Bukod sa sinasabing 'gutom' ang artists, hindi rin agad sila nabayaran ng buo kaya nagdesisyon silang 'di na ituloy ang ibang shows doon

- Ani Ogie, dapat minamarkahan umano ang producer na ito nang hindi na maulit ang ganoong klaseng pagtrato sa mga Filipino artist

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz ay umalma sa umano'y producer ng show nina Gigi De Lana at kanyang banda, kasama sina MC Muah at Lassy sa Doha, Qatar kamakailan.

Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy
MC Muah at Lassy (Lassy Marquez FB)
Source: Facebook

Umpisa pa lamang, nagkaroon na agad umano ng problema sa talent fee ng mga ito dahilan para hindi na lamang ituloy ang ilan pang mga shows na sana'y gagawin nila.

Read also

Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "May asawa naman si Erich"

"Supposedly, meron silang shows 'di ba? Ngayon, nakaisang show nalang sila. E 'yung isang show na 'yun e hindi pa sila fully paid. Pahirapan pa ng paniningil daw," pagbabahagi ni Ogie Diaz.

Aniya, naawa rin umano si MC sa mga kababayan nating nakabili na ng ticket subalit walang mapapanood na palabas dahil sa kabi-kabilang aberya dulot ng sinasabing kapabayaan ng 'di pinangalanang producer ng show.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang sabi ni MC naawa siya sa mga nakabili na ng ticket. Kasi parang hindi pa rin yata sila nare-refund."

Ayon pa kay Ogie, maging si Gigi de Lana at banda nito ay nagkaproblema sa kanilang pagkain.

"Syempre nawala na 'yung producer. ang ginagastos lamang nila 'yung per dime. Sa mga hindi nakakaalam, ito po yung allowance for everyday food ng mga artist," paglilinaw ni Ogie.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Kaya naman hindi rin nito napigilang ibahagi ang kanyang saloobin lalo na at labis niyang nauunawaan ang nais ng mga performers na nagtungo roon para magbigay saya sa kapwa Pilipinong nais silang mapanood.

"Naku. yang producer na 'yan dapat markahan dito 'yan. Kung totoo 'yan ha. Dapat markahan 'yan dito. Kawawa naman 'yung mga Filipino artist natin na gusto lamang magbigay aliw sa ating mga kababayan sa ibang bansa. Lalo na sa mga kababayan nating OFW na umaasa sila dahil nakapagbayad sila"
"Sa producer na 'yan, ano ba 'yan nakakaloka. Baka naman, 'wag niyo nang uulitin 'yan. Di na kayo makakaulit sa mga artista dito"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Sina MC Muah at Lassy ay bahagi ng grupong Beks Battalion kung san kasama rin niya si Chad Kinis. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel. Mapapanood din sina MC at Lassy sa It's Showtime.

Read also

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

Samantala, si Gigi De Lana ay produkto ng Tawag nang Tanghalan. Mas lalo siyang nakilala sa kasagsagan ng pandemya dahil sa mga online shows nila ng kanyang banda. Isa nga sa mga gumawa ng ingay na performances ni Gigi ay ang bersyon niya ng Bakit Nga Ba mahal kita ni Roselle Nava.

Matatandaang, marami ang nag-aalala kay Gigi nang maaksidente ang sinasakyan nilang van patungo sa isang gig sa Ilocos. Dahil dito, pinagpahinga na rin siya ng ilang buwan kaugnay na rin ng kanyang karamdaman na pinagbawal siyang magsalita lalo na ang kumanta pansamantala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel