Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina

- Ibinida ni Andrei Trazona ang kanyang performance bilang tribute sa grupong kinabilangan ng ina noong kasagsagan ng kasikatan nito

- Sa kanyang Instagram post ay makikita ang kanyang picture at dance performance

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sinayaw nito ang The Spaghetti Song na isa sa pinakasikat na awitin ng grupo

- Matatandaang naging usap-usapan si Andrei at ang inang si Izzy Trazona kamakailan dahil sa pagpapahayag nila ng saloobin kaugnay sa pagtanggap sa pagiging drag queen ni Andrei na kilala din bilang si Sofia

Pinakita ni Andrei Trazona sa kanyang post ang kanyang naging tribute performance para sa sikat na grupong kinabibilangan ng ina niyang si Izzy Trazona noon. Sinayaw niya ang The Spaghetti Song.

Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina
Andrei Trazona, ibinida ang kanyang tribute performance para sa grupong kinabilangan ng ina
Source: Instagram

Makikita sa entablado ang pangalang Sofia na siyang pangalan ni Andrei tuwing nagperperform siya. Sa kabila ng isyu tungkol sa naging pahayag ng ina niyang si Izzy kaugnay sa pagsuporta sa kanya, marami ang naghayag ng suporta nila kay Andrei.

Read also

Trina Candaza, binahagi ang waybills ng orders sa kanyang negosyo: "Ang kapal"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilang komento:

Sofia, know that I support you and I’m always rooting for you! Go! and Slay!
Wow! she's the total package! galing!
Kung ako mommy mo.. I'd be super proud. Galing nakuha mo talent ng mama mo

Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).

February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.

Read also

Fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kinilig sa muling pagkikita ng dalawa

Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel