Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto

- Matapos mag-viral kamakailan ang naging reaksiyon ni Barbie Forteza sa fake news tungkol sa umano'y paghihiwalay nila ni Jak Roberto, isang vlog ang ibinahagi ng aktor

- Sabay nilang pinanuod ni Barbie ang ilan sa mga kissing scenes niya sa mga serye at TV shows na kanyang nagawa

- Marami ang naaliw sa reaksiyon ng aktres sa bawat eksenang pinapanood nilang dalawa

- Apat na taon nang magkasintahan ang dalawa at nitong Mayo ng kasalukuyang taon ay ibinahagi ni Jak ang kanyang anniversary message para kay Barbie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inatrasan ni Barbie Forteza ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows.

Barbie Forteza, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa kissing scenes ni Jak Roberto
Jak Roberto at Barbie Forteza (@jakroberto)
Source: Instagram

Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon at mga komento ni Barbie sa bawat eksenang sabay nilang pinanood.

Read also

Maria Hofs, binigyan si Marjorie Abastas ng pera bukod pa sa bayad niya

Ilan sa mga nakasama ni Jak sa mga pinanood nilang eksena ay sina Lauren Young, Chynna Ortaleza, Sheena Halili at Klea Pineda.

Narito ang komento ng ilang netizens:

Nakakatuwa kayo. Lalo na reaksyon ni Barbie "jealous reaction "gigil na ke Jak
Mga side comments talaga ni barbie at yung mga facial reactions niya. Kakatawa.
I really love the humor of Barbie, parang nakikita ko yung sarcasm at pagiging loka loka ko! Hahaha!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at marami pang iba.

Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Lorin Guttierez, ipinakita ang kanyang sosyaling sneaker collection

Apat na taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Gayunpaman, hindi sila nakakaligtas sa mga pang-iintriga kagaya ng iba pang mga showbiz couples. Kamakailan nga ay inalmahan ni Barbie ang fake news na hiwalay na umano sila ni Jak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel