Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"

Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"

- Naikwento ni Jennica Garcia ang ilang buwang wala silang aircon

- Matatandaang naibahagi niya ito sa isang Instagram post tungkol sa panganay na anak na si Mori

- Inabot umano na sampung buwan silang walang aircon subalit 'di na niya ito pinaabot ng isang taon

- Malaking bagay umano ang pagkakaroon niya ng proyekto tulad ng Dirty Linen kung saan ginamapanan niya ang karakter ni Lala

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa naikwento ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano ay ang kawalan niya ng aircon na umabot din ng ilang buwan.

Jennica Garcia, naikwento ang ilang buwang walang aircon: "Nasisira kasi pinipilit ko"
Jennica Garcia (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Matatandaang minsan na niyang naibahagi ito sa post tungkol sa panganay niyang si Mori.

Ang ilan ay halos hindi makapaniwala lalo na at isa umano siyang artista habang marami naman ang humanga sa pagiging praktikal nito.

Read also

Jennica, nilinaw na wala raw silang 'something' ni Christian Bables: "Tropa po talaga"

"'Yung condo ko po kasi is a studio type tapos high ceiling siya. So kahit maliit 'yung space niya ang laki ng kailangang horsepower 'nung aircon." paliwanag ni Jennica.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Window type po yung aircon namin sa bahay. Kaya ilang beses na pong nasisira kasi pinipilit ko," dagdag pa niya.

"Parang six months na po kaming walang aircon dahil nakailang paayos na po ako, hindi ko na po pinaayos e hindi naman po nagrereklamo yung bata sa gabi na mainit, okay naman po sila sa electric fan"

Subalit nasa isang linggo na ang nakaraan nang maibahagi niya ang pagiging emosyonal na makakabili na sila ng aircon na angkop sa kanilang unit at maging water heater.

Malaking bagay umano para sa isang single mother na tulad niya ang trabaho kaya labis ang pasasalamat niya at naigng bahagi siya ng Dirty Linen.

Read also

Sharon-Gabby concert kasado na ayon sa source ni Cristy Fermin

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya. Ayon kay Jennica, dalawang taon na umano siyang single mother ng kanyang dalawang anak.

Naging usap-usapan si Jennica kamakailan dahil umano sa kakaibang closeness nila ng Dirty Linen co-star na si Christian Bables. Ani Jennica, tropa lang sila ni Christian at alam niya umanong hindi siya magugutuhan nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel