Jennica, nilinaw na wala raw silang 'something' ni Christian Bables: "Tropa po talaga"

Jennica, nilinaw na wala raw silang 'something' ni Christian Bables: "Tropa po talaga"

- Isa sa nilinaw ni Jennica Garcia sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano ay ang tungkol sa kanila ni Christian Bables

- Inaakala raw ng marami na nagsisinungaling sila sa totoong estado ng kanilang relasyon

- Subalit ayon kay Jennica, tropa lang sila ni Christian na aminadong sweet naman daw talaga

- Aniya, mapalad siyang nakahanap ng kaibigaan sa showbiz sa katauhan ni Christian at ayaw na raw niya talaga itong mawala sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Jennica Garcia ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan ni Christian Bables na kasama niya sa 'Dirty Linen.'

Jennica, nilinaw na wala raw silang 'something' ni Christian Bables: "Tropa po talaga"
Jennica Garcia at Christian Bables (@christiaaan06)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Bernadette Sembrano nang maging panauhin siya nito sa kanyang YouTube channel.

Aminado si Jennica na talagang sweet umano si Christian sa kanya.

Read also

Ogie D, sa 'tampo' post ni Xander Arizala: "Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na"

"E ito naman kasing si Christian ang sweet sweet e sa comment... Pero sweet po talaga siya. Malambing po talaga siyang tao. Pero hindi po talaga. tropa po talaga."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nilinaw niyang hanggang magkaibigan lang umano sila at hindi siya umano magugustuhan nito.

"'Pag naiisip ko talaga si Christian, naiisip ko po family. As in parang kapatid ko na si Angelo, si Austin. ganun po talaga yung nararamdaman ko, saka hindi rin ako magugustuhan nun," ani Jennica.

Aniya, malulungkot talaga siya nang husto 'pag nawala pa si Christian sa kanya.

"Malulungkot din talaga ako 'pag hindi kami friends o magkaroon kami ng problema then hindi namin maaayos, hindi po talaga ako papayag."
"'Pag naiisip ko nga po nag-aartista ako tapos wala akong Chnristian Bables sobrang lungkot. Dito po kasi sa industry na 'to, hindi po madaling makahanap ng kaibigan dito. So 'yung fact lang na nakahanap ako ng isang kapatid sa katauhan niya, dahil na-experience ko na kung anong pakiramdam na najan siya, hindi ko alam kung paano 'yun 'pag wala na siya"

Read also

Xian Gaza, ipinagtanggol si Zeinab: "Respetuhin po natin ang kanilang private life"

Hiling din ni Jennica na sakaling magkaroon siya ng partner, magign close sana ito kay Christian para wala umanong mamuong selos sa mga ito.

Narito ang kabuuan ng masaya nilang talakayan mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa ngayon, bahagi siya ng teleseryeng Dirty Linen kung saan ginampanan niya ang karakter ni Lala. Sa naturang serye rin niya naging close ang kaibigang si Christian Bables.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel