Sharon-Gabby concert kasado na ayon sa source ni Cristy Fermin

Sharon-Gabby concert kasado na ayon sa source ni Cristy Fermin

- Matutuloy na raw umano ang pinakahihintay na pagbabalik tambalan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

- Matagal-tagal na umanong naghihintay ang mga fans na makitang magkasama ang dating mag-asawa

- Inaasahang magiging espesyal na panauhin nila ang anak na si KC Concepcion

- 'Di man ito pelikula tulad ng inaasahan, malaking bagay na ito para sa mga Sharonians

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kasado na umano ang pinakahihintay na pagsasama muli sa isang proyekto ng Megastar na si Sharon Cuneta at ang ex-husband nitong si Gabby Concepcion.

Sharon-Gabby concert kasado na ayon sa source ni Cristy Fermin
Sharon Cuneta and Gabby Concepcion (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito umano ang impormasyong nakarating kay Cristy Fermin na siyang naibahagi niya sa programa nilang Showbiz Now Na!

"Alam niyo po, may impormasyon na nakarating sa amin na isang araw mapapanood na po natin ang dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion pero hindi po sa serye, hindi rin po sa pelikula, concert!" masayang inanunsyo ni Cristy.

Read also

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

Aniya tila maisasakatuparan na raw talaga ito gayung dinig niyang nagkapirmahan na raw umano ng kontrata para sa naturang proyekto na kinasasabikan ng marami lalong-lalo na umano ng mga Sharonians.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Talagang inaayos na ang mga detalye nito at alam ko nagkapirmahan na to ng kontrata"

Inaasahang magiging espesyal na panauhin nila ang kanilang anak na si KC Concepcion.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy Fermin mula sa bagong episode ng kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan. Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Read also

Gerald Anderson, sinabing magaan karelasyon si Julia Barretto

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel