Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo

- Nagbigay na rin ng pahayag ang bouncer na umaawat mismo kay Awra at sa nakaalitan nito sa isang bar sa Poblacion, Makati

- Ayon sa bouncer, mula nang magkainitan ang dalawa, hindi na niya iniwan ang mga ito sa pag-awat

- Pilit nilang pinakakalma si Awra subalit hindi raw ito tumigil dahilan para siya ay masaktan din umano nito

- Dahil dito, nagsampa na rin siya ng reklamo sa dating child star ng FPJ: Ang Probinsyano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag na ang bouncer na si Onin patungkol sa nangyaring kaguluhan na kinasangkutan ng aktor na si Awra Briguela.

Bouncer na umaawat kay Awra, magsasampa rin umano ng reklamo
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na si Onin mismo ang umaawat kay Awra na ayaw umanong kumalma sa naturang insidente.

"Pinipilit siyang pakalmahin pero hindi pa rin siya kumakalma," ayon sa pahayag ni Onin sa GMA News.

Read also

Awra Briguela, ibinida ang pagtatapos ng ama: "Congratulations on all your well-deserved success"

Aniya, siya rin mismo ang nakasaksi kung paano nagpumiglas ang aktor sa mga awtoridad.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kahit sa pulis galit na galit din siya. Tinatadyakan po niya 'yon," dagdag pa ni Onin.

Isa rin umano ang bouncer sa makapagsasabing walang nangyaring pambabastos na siyang naging dahilan para ipagtanggol lamang umano ni Awra ang kaibigang sinasabing naagrabyado.

Giit pa umano ng isang nagpakilalang empleyado roon, ni-review ang CCTV sa buong gabing nangyari ang insidente ngunit wala ang sinasabing pang-aagrabyado sa kaibigang babae ni Awra.

Makikita ang bouncer na si Onin na umaawat sa lalaking hinahatak ni Awra. Si Onin na rin mismo ang umaawat kay Awra. Sa kakawat, nagkabukol ito at nakalmot sa braso. Dahil dito, nagsampa rin ng kaso si Onin kay Awra.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Xian Gaza, pinost conversation sa kaibigan ni Awra Briguela: “Mabuti siyang tao”

June 29, nang gumulantang sa publiko ang umano'y kinasangkutang gulo ni Awra Briguela sa isang bar sa Makati City. Unang lumabas na dahilan ang umano'y pagtatanggol ni Awra sa kaibigang naagrayado. Subalit matapos na lumabas ang mga CCTV footage at ilang mga saksi sa nangyari, iba ang makikitang dahilan nito. July 1 nang makalabas si Awra sa Makati Police District.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel