Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito

Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito

- Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra Briguela ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra Briguela

- Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati

- Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila

- Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang babae na nagpakilalang kaibigan ni Awra Briguela ang nagsalita kaugnay sa kinasangkutang gulo ng kanilang kaibigan. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit sinuntok daw nito si Awra matapos nilang magkainitan.

Read also

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito
Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito (@awrabriguela)
Source: Instagram

Kinondena niya din ang mga nagsasalita ng negatibo patungkol kay Awra.

Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito
Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito (@simpforzayla)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang isang kaibigan ni Awra na kasamahan ni Zeinab na si Jahan Visperas ay sinabi din na pinagtanggol lamang ni Awra ang kanyang mga kaibigang binastos.

Iginiit naman ng kabilang panig na ang grupo ni Awra ang nagsimula ng gulo nang pinagtatanggal daw siya ng suot niyang damit.

Sa kasalukuyan ay wala pang nilalabas na pormal na pahayag si Awra kaugnay sa isyu.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo

Matatandaang binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Pinagtanggol ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel