Awra Briguela, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa natatanggap nitong pambabatikos

Awra Briguela, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa natatanggap nitong pambabatikos

- Pinagtanggol ni Awra Briguela si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos

- Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube

- Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya

- Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Awra Briguela, nakakalungkot lang na may mga taong nambabatikos kay Donnalyn Bartolome gayong gusto lang naman umano nitong balikan kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Sa panayam ni MJ Marfori, nilinaw ni Awra na hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Awra Briguela, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa natatanggap nitong pambabatikos
Awra Briguela, pinagtanggol si Donnalyn Bartolome sa natatanggap nitong pambabatikos (@donna)
Source: Instagram

Dagdag pa ni Awra, sobrang natural lang ng pag-invite ni Donnalyn sa kanila para sa kaarawan niya. Aniya, hindi niya maintindihan kung bakit naging isyu sa mga tao ang celebration ni Donnalyn ng kanyang kaarawan.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel