Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo

Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo

- Nakarating na sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela

- Kinausap ni Sen. Tulfo ang Chief ng PNP sa Makati kaugnay dito at ang sinabi nito ay ang grupo daw nila Awra ang nagsimula nang pinaghuhubad nila ang nagrereklamo

- Agad namang itinama ni Sen. Tulfo ang naging pahayag nito na naging agresibo daw si Awra dahil gay siya at gusto niyang makita ang katawan ng complainant

- Hinimok naman ni Sen. Tulfo ang kapulisan na tanungin at alamin din ang panig ni Awra kung magsasampa ito ng kaso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo ang talaga namang mainit na usapin tungkol sa pagkakaarresto kay Awra Briguela. Hinimok naman ni Sen. Tulfo ang kapulisan na tanungin at alamin din ang panig ni Awra kung magsasampa ito ng kaso.

Read also

Jerald Napoles, inihayag mabuting ugali ni Awra behind the cam; nag-react sa rambulan

Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo
Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo (@awrabriguela)
Source: Instagram

Inalmahan din ni Sen. Tulfo ang pahayag ng Chief ng PNP sa Makati na naging agresibo daw si Awra dahil gay siya at gusto niyang makita ang katawan ng complainant.

"Ay hindi Sir, mali ka diyan Sir. Wag ganun. Palibhasa'y gay, gustong makita agad ang katawan ng isang lalaki? Siguro po, merong pinagmulan yung kaguluhan."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Awra Briguela, kinasuhan ng iba’t-ibang charges kaugnay sa rambulan sa club

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Read also

Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel