Jerald Napoles, inihayag mabuting ugali ni Awra behind the cam; nag-react sa rambulan

Jerald Napoles, inihayag mabuting ugali ni Awra behind the cam; nag-react sa rambulan

- Si Awra Briguela ay inaresto ng pulis kaugnay ng rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati

- Nag-post si Jerald Napoles ng karanasan niya na maka-trabaho noon si Awra

- Inilahad ni Jerald na sobrang friendly, sweet at parang nakababatang kapatid niya sa proyektong iyon si Awra

- Naniniwala rin siya sa kwento na ipinagtanggol lamang ni Awra ang kaibigang binastos umano sa bar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Laman ng headlines ngayon si Awra Briguela matapos maaresto ng pulis kaugnay ng rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati.

Jerald Napoles
Jerald Napoles, inihayag mabuting ugali ni Awra behind the cam; nag-react sa rambulan
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Jerald Napoles ng karanasan niya na maka-trabaho noon si Awra.

Sinabi ng aktor na sobrang friendly, sweet at parang nakababatang kapatid niya sa proyektong iyon si Awra.

Ayon pa kay Jerald, naniniwala siya sa kwento na ipinagtanggol lamang ni Awra ang kaibigan binastos umano sa bar.

Read also

Awra Briguela, kinasuhan ng iba’t-ibang charges kaugnay sa rambulan sa club

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kung kaibigan daw ni Jerald ang nakaranas ng pambabastos, makikipag-rambulan din daw siya.

“Bilang kuya, kailangan kong magbigay ng opinyon para sa batang ito. Nakasama ko si Awra ng mahigit isang buwan sa trabaho, first-time to work with her, lock in shoot, iisang tirahan. Wala akong kapatid pero sa mga panahon na yun para akong may nakakabatang kapatid sa set ng shoot. Siya mismo ang nagpasimula ng connection sa aming lahat. Sa una inobersbahan ko kung ano ang sensibilidad ng batang ito.. lagi kong ginagawa yun para na rin mag adjust at kumunekta sa mga kasama sa trabaho. After awhile ako mismo nagsabi sa kanya “Alam mo, hindi ko inexpect na maganda at maayos kang katrabaho at higit sa lahat napaka sweet mong bata, KEEP THAT ATTITUDE AND MENTALITY AT MARAMING MAGMAMAHAL SAYO” true enough. Sa nangyari ngayon maraming mas nakaka kilala kay Awra ang nagpakita ng suporta.

Read also

Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako"

“Ako bilang isang anak, boyfriend at kaibigan.. handa akong protektahan ang mga mga babae na malapit sa akin. Sa abroad mismo may nag tatangka mang - harass kay Kim at alam niya na handa ako sa gulo. Pero siya mismo umaawat sa akin pa rin maiwasan ang gulo hangga’t maari dahil sa PANANAW NG MADLA NA ARTISTA KAME, KAILANGAN PERPEKTO KAME. Maari kameng baliktarin at hindi kame dapat pumapatol. Pero tao lang kame, at pag inargabyado nyo ang malapit sa amin, kahit wag na kame… handa kameng harapin ang pagkakataon.
“Kung ako ang nasa sitwasyon ni Awra at inargabyado, binastos, at winalang respeto ang kasama kong babae ng isang lalakeng lasing.. ganito rin ang mangyayari, baka higit pa.
“See you soon kapatid/behbeh gurl mananaig ang katotohanan. Alam kong hindi ka gumagawa nang gulo at alam kong handa ka ipagtanggol ang mga mahal mo,” sabi ni Jerald.

Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), pinuntahan daw ni Awra at ng mga kaibigan nito sa loob ng bar ang isang lalake na nagngangalang Mark Christian Ravana. Pinapatanggal umano nina Awra ang damit ni Mark Christian.

Read also

Pics ng pag-aresto ng pulis kay Awra Briguela, nag-viral na

Nang hindi raw pumayag si Mark Christian, sinundan siya umano ng grupo ni Awra sa labas ng club at doon na nagsimula ang rambulan.

Sa kabilang panig naman, sinasabi ng mga kaibigan ni Awra na inaway ng aktor si Mark Christian dahil sa pangmo-molestya umano nito sa babaeng kaibigan nila habang nasa loob sila ng bar.

Awra Briguela

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Sa nakaraang report, binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Read also

Isa sa kaibigan ni Awra Briguela, sinabing pinagtanggol lang sila nito

Pinagtanggol din ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel