Awra Briguela, kinasuhan ng iba’t-ibang charges kaugnay sa rambulan sa club

Awra Briguela, kinasuhan ng iba’t-ibang charges kaugnay sa rambulan sa club

- Si Awra Briguela ay kinasuhan na matapos arestuhin ng pulis kaugnay ng rambulan sa Poblacion, Makati

- Physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault ang mga kasong ipinataw

- Tangi rito, inilabas na rin ng kapulisan ang mugshot ng aktor

- Magkaiba ang sinasabi ng magkabilang panig sa naging sanhi ng rambulan sa club

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinasuhan na si Awra Briguela matapos arestuhin ng pulis kaugnay ng rambulan sa the Bolthole Bar sa Poblacion, Makati.

Awra Briguela
Awra Briguela @awrabriguela
Source: Instagram

Ang mga kaso na pinataw sa kanya ay physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault. Inilabas na rin ng kapulisan ang mugshot ng aktor.

Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), Pinapatanggal umano nina Awra ang pantalon ng complainant ngunit hindi ito pumayag. Naging agresibo umano si Awra dahil sa di pagpayag ng complaimant.

Read also

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

Sinundan pa raw siya umano ng grupo ni Awra sa labas ng club at doon na nagsimula ang rambulan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabilang panig naman, sinasabi ng mga kaibigan ni Awra na inaway ng aktor ang complainant dahil sa pangmo-molestya umano nito sa babaeng kaibigan nila habang nasa loob sila ng bar.

Awra Briguela

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Sa nakaraang report, binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Read also

Awra Briguela, next week pa raw makakapag-piyansa ayon sa pahayag ng SPD

Pinagtanggol din ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel