Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

- Ibinahagi ni Xian Gaza ang isang CCTV footage na umano ay ipinrisinta bilang isang ebidensiya sa Makati Police

- Makikita sa video ang pagsasaya ng mga taong naroroon na kinabibilangan ni Awra

- Isa naman sa kaibigan ni Awra ang nagsabing ang naturang video ay hindi ang tinutukoy nilang ebidensiya ng pangha-harass umano sa isang kaibigan ni Awra

- Nakauwi na rin daw ang kaibigan ni Awra na babae sa naturang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Xian Gaza ng CCTV footage na kuha sa 'The Bolthole Bar' kung saan pumunta sila Awra at kanyang mga kaibigan. Ito umano ang ipinrisentang ebidensiya sa Makati Police.

Sa Facebook pinost ni Xian ang nasabing CCTV footage.

Ayon sa report ng Makati police, base sa complaint ng kaaway ni Awra, naging agresibo raw ang aktor nang hindi pumayag ang complainant na hubarin ang kanyang pantalon.

Read also

Kaso ng pag-aresto kay Awra Briguela, tinutukan ni Sen. Raffy Tulfo

Nakasuhan si Awra ng physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'
Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar' (@awrabriguela)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa naman sa kaibigan ni Awra ang nagsabing, hindi makita ang babaeng umano ay pinagtanggol ni Awra sa naturang video ay dahil nakauwi na raw ito.

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'
Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar' (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Isang nagpakilalang kaibigan ni Awra ang nagbahagi ng pahayag kaugnay sa viral na video ni Awra. Makikita sa IG stories ng IG user na may handle na @simpforzayla na kasama si Awra sa kanyang video sa kanilang pagpunta sa isang bar sa Poblacion sa Makati. Aniya, may isang lalaki na nangbastos sa kanya at sa isa pa nilang kaibigan kaya kinausap umano ni Awra ang lalaki ngunit nagkainitan sila. Dagdag pa niya, ang lalaki daw ang unang nanuntok kay Awra kaya lumaban si Awra.

Read also

Jerald Napoles, inihayag mabuting ugali ni Awra behind the cam; nag-react sa rambulan

Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra ang nagsalita sa News5. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra. Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya. Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel