Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako"

Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako"

- Isa sa sangkot sa rambulan na kinasangkutan ni Awra Briguela ang nagsalita sa News5

- Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra

- Kasamahan daw ni Awra ang unang nanuntok at lumaban na lang daw siya

- Nauna na ring nagsalita ang ilang kaibigan at kasamahan ni Awra patungkol sa umano'y pangbabastos sa kaibigan ni Awra na siyang nag-udyok sa Kapamilya star para kausapin ang umano'y nangbastos sa kanyang kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagsalita sa News 5 ang isa sa mga nasangkot sa rambulan sa Poblacion, Makati kung saan kasangkot din si Awra Briguela. Ayon sa lalaking tinawag na "Mark" baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan siya ni Awra.

Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako"
Isa sa nakarambulan ng grupo ni Awra Briguela: "Nakursunadahan niya siguro ako" (@awrabriguela)
Source: Instagram

Kwento pa niya, ang kasamahan daw ni Awra ang naunang manakit na kinalaunan ay nilabanan niya.

Read also

Awra Briguela, kinasuhan ng iba’t-ibang charges kaugnay sa rambulan sa club

Nauna na ring nagsalita ang mga kaibigan at kasamahan ni Awra kaugnay sa isyu. Isa sa mga babaeng kaibigan ni Awra ang nagsabing mayroon daw nangbastos sa kanila at pinagtanggol lang sila ni Awra. Ayon sa kanila ang kabilang kampo din daw ang naunang manuntok at gumanti lang din si Awra.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ulat naman ng Inquirer, ayon sa police report ay pinaghuhubad umano ng grupo ni Awra ang lalaking nakaaway niya at tumanggi umano ito.

Naiulat din sa Manila Bulletin ang tungkol sa pagkakaaresto kay Awra.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Pics ng pag-aresto ng pulis kay Awra Briguela, nag-viral na

Matatandaang binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma-lock na ito.

Pinagtanggol ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel