Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea

Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea

- Kinaaliwan si Vice Ganda sa kanyang binahaging video na kuha sa bakasyon nila ng pamilya niya sa South Korea

- Nakasama niya ang ama ni Ryan Bang na isang taxi driver doon

- Kagaya ni Ryan ay masayahin din ito, palabiro at napakanta pa habang nag-vi-video si Vice

- Umani ng mga komento ang video na ito na ibinahagi ni Vice Ganda

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Vice Ganda ang video nila kasama ang daddy ni Ryan bang habang nasa bakasyon sila ng kanyang pamilya sa South Korea. Masayahin din ito, palabiro at napakanta pa habang nag-vi-video si Vice.

Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea
Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pinakanta siya ni Vice Ganda at pinaunlakan niya ito. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa video na ito ni Vice:

Pinanganak ka talaga para magpasaya ng iba.. I'm sure super happy si Ryan Bang Vice Ganda

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Ang pogi nmn ng daddy ni Ryan Bang...Enjoy meme vice s Korea trip nu po

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Same sila boses ni Ryan!!! Cutiee haha

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Read also

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel