Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"

- Kabilang si Vice Ganda sa mga personalidad na nagpahayag ng kanilang pagkalungkot sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Sa kanyang post sa X, nagbahagi siya ng mensahe para sa aniya'y broken hearts

- Nakalagay din sa naturang post ang hashtag na #Kathniel na ngayong araw nga ay nagkumpirma na hiwalay na sila

- Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang apektado sa lumabas na balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naghayag si Vice Ganda ng kanyang mensahe para sa aniya'y mga broken hearts kaugnay sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kabilang siya sa mga personalidad na nagkomento kaugnay sa breakup ng KathNiel.

Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"
Vice Ganda sa Kathniel breakup: "God bless the broken hearts"
Source: Instagram

Sa kanilang ibinahaging kumpirmasyon tungkol sa ilang araw nang usap-usapang break-up, magaganda at positibo ang mensahe nina Kathryn at Daniel.

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, tila mahirap na tanggapin lalo na ng kanilang mga fans ang paghihiwalay nila. Maituturing na ang KathNiel ang pinakamalakas na loveteam ng ABS-CBN dahil sa laki ng kanilang fanbase.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Read also

Kyline Alcantara, nagbahagi ng post tungkol sa self-love

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel