Kim Chiu, nakatanggap ng 'pangtagal maga' mula kay Maricel Soriano bago ang sampalan scene

Kim Chiu, nakatanggap ng 'pangtagal maga' mula kay Maricel Soriano bago ang sampalan scene

- Kinaaliwan si Kim Chiu matapos niya ikwento na nakatanggap siya ng spray mula kay Maricel Soriano

- Ito raw ay pantanggal maga na spray at nabibili sa ibang bansa ayon kay Kim

- Nagtaka raw siya kung bakit siya binigyan ng kanyang inay Marya ng ganun at napagtanto na lang niya kung bakit nang matapos ang kanilang eksena

- Ayon naman kay Maricel, kailangan daw talaga iyon dahil hindi mapepeke ang eksena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Kim Chiu na binigyan siya ni Maricel Soriano ng spray para pantanggal ng maga. Napagtanto na lamang daw niya kung bakit siya binigyan ng Inay Marya niya ng spray matapos ang kanilang eksena.

Kim Chiu, nakatanggap ng 'pangtagal maga' mula kay Maricel Soriano bago ang sampalan scene
Kim Chiu, nakatanggap ng 'pangtagal maga' mula kay Maricel Soriano bago ang sampalan scene
Source: Instagram

Sa ginanap na mediacon ng kanilang seryeng Linlang, naibahagi nila ang kanilang mga intense na eksena.

Read also

Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"

Yung binigyan nyo po ko ng spray, yung pantanggal maga. Bago magsimula yung eksena. Favorite niya yung spray na yun. Hindi niya talaga binibigay kasi konti na lang siya at sa Hong Kong siya nabibili di'ba Nay? Sabi niya bibigay ko na lang to sa'yo. Tapos pagkatapos ng eksena namin , 'Ah, kaya pala pantanggal maga.

Paliwanag naman ni Maricel, mahirap i-fake iyon at kailangan maramdaman ni Kim ang galit nung nanay na siyang ginagampanan ni Maricel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Pokwang, pinayuhan ni Eugene Domingo kaugnay sa pakikipagrelasyon

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel