Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"

Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"

- Nagbahagi ng isang pahayag si Yexel Sebastian kaugnay sa kinasasangkutan nilang isyu ng karelasyon niyang si Mikee Agustin

- Sa kanyang post ay nagbahagi siya ng video bilang patunay na totoo raw ang junket kung saan nakadalo sila ni Mikee sa ribbon cutting

- Aniya, nalagay na rin sa alanganin ang kaligtasan nila ng kanyang pamilya kaya kailangan niya nang magsalita

- Dagdag pa niya kabilang lang sila sa participants sa ribbon cutting na ginanap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Yexel Sebastian ng pahayag sa gitna ng mga reklamo sa kanila sa investment scam. Ani Yexel, kailangan niya nang magsalita dahil nalalagay na sa alanganin ang kanilang kaligtasan.

Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"
Yexel Sebastian, nagsalita sa kinasasangkutang isyu: "Palagay ko ito na ang tamang panahon"
Source: Facebook

Aniya, naniniwala siyang kailangan na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa panghuhusga at paningin ng mga tao.

Siguro panahon na para ipagtanggol ko ang sarili ko at buo kong pamilya, Ayaw ko sana magsalita dahil kahit magmukha kaming masama at basura sa buong Pilipinas ay tatanggapin ko mai ayos lang ng malumanay at tahimik pero kabaligtaran ang nangyari naging sobrang ingay na.

Read also

Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"

Iniiyakan daw ng pamilya nila ang kaligtasan nila ng kanyang mag-ina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pati kaligtasan namin ay nalaganay na sa alanganin, Masakit makita ang buong pamilya mo na umiiyak para sa kaligtasan namin ni Mikee and Zyph .

Si Mikee Agustin naman ay naging bahagi ng Girltrends na all-girl group na sumikat sa noontime show na It's Showtime. Si Yexel Sebastian ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya sa toy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pagma-may-ari niya.

Dumulog na ang ilang sa mga sinasabing na-scam nina Yexel at partner nitong si Mikee sa programa ni Senator Raffy Tulfo. Ayon sa mga complainant napa-pirma umano sila sa Certificate of loan sa inaakala nilang investment. Milyon-milyong pera ang nailabas na karamihan ay mga followers at subscribers nina Yexel na mga OFW. Nagbigay din ng pahayag si Yexel na nakontak ng programa ni Tulfo subalit hindi ito tinanggap ng mga nagrereklamo.

Read also

Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers

Pinayuhan ni Ogie Diaz ang kontrobersyal ngayong YouTuber na si Yexel. Gumawa ng ingay kamakailan si Yexel dahil umano sa investment scam na kinasasangkutan nito. Hindi rin daw ito nakikipag-usap sa investors niya na karamihan ay pawang mga subscribers at followers pa niya. Samantala, kamakailan lamang ay dumulog na sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang mga complainant laban kay Yexel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel