Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"

Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"

- Pinayuhan ni Ogie Diaz ang kontrobersyal ngayong YouTuber na si Yexel Sebastian

- Gumawa ng ingay kamakailan si Yexel dahil umano sa investment scam na kinasasangkutan nito

- Hindi rin daw ito nakikipag-usap sa investors niya na karamihan ay pawang mga subscribers at followers pa niya

- Samantala, kamakailan lamang ay dumulog na sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang mga complainant laban kay Yexel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Ogie Diaz ay pinayuhan na rin si Yexel Sebastian na makipag-usap ng maayos sa mga investors nito.

Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"
Yexel Sebastian (Yexel Sebastian Facebook)
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan, isa-isa umanong naglabasan ang ng mga nagrereklamo laban kay Yexel at partner nitong si Mikee Agustin dahil umano'y na-scam sila ng mga ito.

Karamihan kasi sa mga nakumbinsi nina Yexel ay followers at subscribers nila na OFW. Dahil dito, milyon-milyong pera ang kinaya nilang ipagkatiwala sa kilalang personalidad kaya hindi nila akalaing maloloko umano sila.

Read also

Yexel Sebastian at Mikee Agustin, ipina-Tulfo na ng kanila umanong mga na-scam

Subalit, sa kasamaang palad, hindi raw ito nakikipag-usap sa kanila sa kung ano na ba talaga ang nangyayari sa perang inaakala nilang mapalalago sa tulong nina Yexel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman payo ni Ogie, sana'y makipag-ugnayan na sina Yexel at Mikee sa mga taong nagrereklamo sa kanila.

"Sagutin niyo naman yung mga investors niyo, kawawa naman. Hindi nila alam kung paano nila kayo kokontakin at kung paano nila makukuha ang kanilang in-invest," pahayag ni Ogie kay Yexel.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Yexel Sebastian ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya satoy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pagma-may-ari niya.

Gumawa ng ingay kamakailan ang pangalan ni Yexel sa umano'y investment scam na kinasasangkutan umano niya at ng kanyang partner na si Mikee Agustin. Naglabasan ang kabi-kabilang reklamo sa dalawa na pawang mga subscribers at followers pa naman nila.

Read also

Drag artist na si Pura Luka Vega, nakapagpiyansa at nakalaya na

Ngayong naidulog na sa programa ni Tulfo ang naturang reklamo, inaasahang aaksyunan na at ang unang gagawin umano ng programa ay ang pag-iimbestiga sa nabanggit na opisina ni Yexel na pinaglalagakan umano ng limpak-limpak na pera na umano'y na-invest sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel