Yexel Sebastian at Mikee Agustin, ipina-Tulfo na ng kanila umanong mga na-scam
- Dumulog na ang ilan sa mga sinasabing na-scam ng YouTuber na si Yexel Sebastian at partner nitong si Mikee Agustin
- Ayon sa mga complainant napa-pirma umano sila sa Certificate of loan sa inaakala nilang investment
- Milyon-milyong pera ang nailabas na karamihan ay mga followers at subscribers nina Yexel na mga OFW
- Nagbigay din ng pahayag si Yexel na nakontak ng programa ni Tulfo subalit hindi ito tinanggap ng mga nagrereklamo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagtungo na sa programang Wanted sa Radyo ni Senator Raffy Tulfo ang ilan sa mga nagsasabing na-scam umano ng YouTuber at negosyanteng si Yexel Sebastian at partner nitong si Mikke Agustin.
Ayon sa isang complainant na nagpakilalang subscriber at follower ni Yexel, isang milyong piso ang kanyang nailabas sa inaakala niyang maayos na negosyo at investment.
Karamihan pa sa mga comlainant na ito ay pawang mga OFW na ipinagkatiwala ang kanilang pinaghirapang salapi sa ibang bansa sa investment umano ni Yexel.
Sa account umano ni Mikee inihuhulog ang pera na mayroon pang umabot sa limang milyong piso.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isa umano sa kataka-takang nagawa sa kanila nito ay ang pagpapapirma ng Contract of Loan. Ito umano ang kontrata na kapalit ng perang inilabas ng kanila umanong nabiktima.
Aminadong nagkamali ang mga nag-invest na hindi umano nagtanong sa proseso sa pag-aakalang hindi sila lolokohin ng isang kilalang personalidad na tulad ni Yexel.
Samantala, sa pahayag naman ni Yexel sa naturang programa, tila lumalabas na sinasabi nitong siya rin umano'y naloko tulad ng kanyang mga followers.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Yexel Sebastian ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya sa toy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pagma-may-ari niya.
Gumawa ng ingay kamakailan ang pangalan ni Yexel sa umano'y investment scam na kinasasangkutan umano niya at ng kanyang partner na si Mikee Agustin. Naglabasan ang kabi-kabilang reklamo sa dalawa na pawang mga subscribers at followers pa naman nila.
Ngayong naidulog na sa programa ni Tulfo ang naturang reklamo, inaasahang aaksyunan na ito at ang unang gagawin umano ng programa ay ang pag-iimbestiga sa nabanggit na opisina ni Yexel na pinaglalagakan umano ng limpak-limpak na pera na umano'y na-invest sa kanila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh