Zeinab, bumisita sa kanyang childhood place matapos ang Lebanon vlog

Zeinab, bumisita sa kanyang childhood place matapos ang Lebanon vlog

- Bumisita sa Cavite si Zeinab Harake kung saan sila umano nanirahan noong kanilang kabataan

- Ipinakita niya ang simpleng pamumuhay nila sa Bacoor na kinalakhan nilang magkakapatid

- Nagagamit pa rin niya ang kanyang tinatawag na 'unang baby' na isa umanong motor sa pag-iikot niya sa mga dating pinupuntahang lugar

- Isa si Zeinab sa maituturing na matatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroong 13.8 million subscribers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos bumisita sa unang pagkakataon sa Lebanon na siyang bansa ng kanyang ama, nagtungo naman ng Cavite si Zeinab Harake na lugar naman ng kanyang kabataan.

Zeinab, binisita naman ang kinalakhan sa Cavite matapos ang Lebanon vlog
Zeinab Harake (Zeinab Harake Facebook)
Source: Facebook

Ito umano ang kinagisnang lugar ni Zeinab at ipinaalala sa kanyang subscribers na minsan na niya itong naipakita sa mga nauna niyang vlog.

Gamit ang kanyang unang 'baby' na isa pa lang motor, nag-ikot si Zeinab sa mga lugar na lagi niyang pinupuntahan tulad ng dati niyang paaralan kung saan siya nag-senior high school.

Read also

Kyla, tuwing umuulan: "'Yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro"

Maging ang tindahan, kariderya na madalas niyang bilhan noon ay binisita rin ni Zeinab at mga dati niyang mga nakakasama ay nakipagbonding din siya sa maiksing oras na kanilang pagbisita.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasama rin ni Zeinab ang anak na si Lucas na nag-enjoy din maging sa pakikipaglaro sa mga batang naroon.

Dahil dito, hindi kataka-taka kung bakit patuloy na dumarami ang mga sumusuporta kay Zeinab dahil sa kabila ng tagumpay, marunong umano itong lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilala na matagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.8 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

Kamakailan din ay naibahagi ni Zeinab ang masayang pagbisita nilang magkakapatid sa kauna-unahang pagkakataon sa Lebanon. Kasama ang kanilang ama, makikita sa isang vlog ni Zeinab kung gaano sila kasaya na makilala ang sinasabing "kalahati ng kanilang buhay."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel