Zeinab, tinawag na "asawa ko" ni Ray Parks Jr.: "I-announce na natin"

Zeinab, tinawag na "asawa ko" ni Ray Parks Jr.: "I-announce na natin"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang masayang bakasyon nila sa Bohol, kasama ang mga anak at pati na rin ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

- Sa kanyang pinakabagong vlog, makikita rin ang kulitan nina Zeinab at Ray na siyang nakaagaw pansin ng mga manonood

- Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' ang maging ang tungkol umano sa 'wedding song'

- Matatandaang makailang beses nag-viral ang post ni Ray Parks Jr. tungkol kay Zeinab at kung gaano na rin kahalaga sa kanya ang mga anak nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong vlog ni Zeinab Harake, ibinahagi niya ang bonding nila ng kanyang mga anak na sina Lucas at Bia, kasama rin ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.

Read also

Chad Kinis kay Zeinab Harake: "Ayoko ng mga screenshot-screenshot"

Zeinab, tinawag na "asawa ko" ni Ray Parks Jr.: "I-announce na natin"
Bobby ray Parks Jr. with Zeinab Harake (Zeinab Harake FB)
Source: Facebook

Ito umano ang unang pagkakataon na nakasakay ng eroplano ang kanyang mga anak na walang mapagsidlan ng kasiyahan.

Halos isang linggong nanatili ang pamilya ni Zeinab sa Bohol na labis na na-enjoy ng kanyang anak.

Subalit isa sa nakaagaw pansin sa mga nakapanood ng video ay ang pagtawag ni Ray ng "asawa ko" kay Zeinab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naroon ding nagkulitan ang dalawa hanggang sa nasabi ni Ray ang "i-announce na natin?"

Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' ang maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Narito ang kabuuan ng vlog, mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.7 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Read also

Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng ilang sumikat na kanta ng kapwa artist

Matatandaang sa sa isang vlog ni Zeinab, naibahagi nito kung paano siya napaiyak dahil kay Lucas. Nilarawan ni Zeinab na halos madurog umano ang kanyang puso nang malaman ito mula pa sa teacher ng kanyang anak. Naibahagi rin niya sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga ni Zeinab ang bunso nitong si Bia.

Samantala, mula nang lumantad na sila sa publiko ay halos hindi na mapaghiwalay sina Zeinab at Bobby Ray Parks Jr. Lalo na nang mapalapit na rin ang mga anak ni Zeinab sa kanilang "Daddy Ray."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel