Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng ilang sumikat na kanta ng kapwa artist

Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng ilang sumikat na kanta ng kapwa artist

- Naikwento ni Yeng Constantino na siya ang nagsulat ng ilang sikat na kanta ng kapwa niya artist

- Ilan sa mga kantang ito ay napakikinggan pa muli ngayon sa TikTok

- Isa kasi ito sa naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanyang song catalogue

- Matatandaang kamakailan ay na-acquire na ni Yeng ang kanyang mga naisulat na kanta na nasa pamamahala ng Star Music sa loob ng halos dalawang dekada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naibahagi ni Yeng Constantino sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa mga naisulat niyang kanta para sa mga kapwa niya artist.

Yeng, naikwentong siya ang nagsulat ng mga sumikat na kanta ng kapwa artist
Yeng Constantino (@yengconstantinoreal)
Source: Facebook

Natanong kasi ito ni Ogie matapos maikwento ni Yeng na umabot na rin umano sa daan ang bilang ng mga kanta sa sarili niyang song catalogue.

Read also

Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo

Ang ilan sa mga ito ay ang awitin ni Angeline Quinto na 'At ang hirap' na hanggang ngayon ay napapakinggan pa rin sa TikTok.

Maging ang duet nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual na 'Paano ba ang magmahal' para sa pelikula nilang 'The Breakup Playlist' ay si Yeng din ang nagsulat.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayundin ang isa sa mga sumikat na kanta ni Erik Santos na 'Sino ba ako sa'yo?' at maging ang awiting 'Kasalanan' ni Jaya.

Matatandaan kamakailan nang tuluyan nang makuha ni Yeng sa Star Music ang kanyang mga awitin na halos dalawang dekadang pinangangalagaan ng nasabing record company.

Aniya, maayos silang nag-usap ukol dito at pinaliwanag niyang kaya niya ito naisipang gawin ay bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Kamakailan ay naiulat na pagmamay-ari na ni Yeng ang lahat ng kanyang naisulat na dati'y nasa pamamahala ng Star Magic. Aminado itong naging emosyonal sa pamamaalam sa Star Magic. Nagawa umano niya ito bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan at ma-secure ang kanya umanong retirement balang araw.

Ngayon, muli na namang napakikinggan ang awitin ni Yeng na 'Chinito' nang maging TikTok dance challenge ito na may makulit na steps. Ipinagpasalamat ito ni Yeng na pabirong sinabing dumami ang mga bookings niya ng show dahil dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel