Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo

Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo

- Kinagiliwan ng marami ang bagong video nina Dr. Vicki Belo, Ivana Alawi at kapatid nitong si Mona

- Lalo na si Ivana na bihira lamang nila umanong makita sa mga TikTok videos

- Matatandaang kamakailan lang ay muling na-prank ni Ivana ang kapatid na si Mona

- Subalit matapos ang naturang prank, ibinigay niya ang regalong sasakyan sa kapatid na nagdiwang ng ika-19 na kaarawan noong Agosto 19

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maraming naaliw sa video nina Dr. Vicki Belo, Ivana at Mona Alawi na naibahagi ng celebrity doctor sa kanyang Instagram.

Ivana Alawi, kinagiliwan sa bagong video kasama sina Mona at Dr. Vicki Belo
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang kanilang video nang gumawa sila ng sarili nilang bersyon ng 'Superbass' TikTok trend na ginagawa ngayon ng karamihan.

Marami ang natuwa dahil lumabas ang natural na pagiging makulit ni Ivana na madalas ding makita sa kanyang mga vlog.

Read also

Ivana Alawi, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon sa aniya'y poging afam

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan lang, na-prank muli ni Ivana si Mona bago niya ito bigyan bonggang surpresa. Talagang naiyak si Mona sa pag-aakalang totoong may nakainitan ng ulo ang kanyang ate sa away trapiko na set-up lamang. Matapos ito, ibinigay ni Ivana ang regalong kotse kay Mona na nagdiwang ng kanyang 19th birthday noong August 19.

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa 'Can't Say No Challenge' kasama ang mga anak ni Melai

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng kanyang fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng FPJ Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel