Kyla, tuwing umuulan: "'Yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro"

Kyla, tuwing umuulan: "'Yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro"

- Naikwento ni Kyla ang kanya umanong nadarama sa tuwing umuulan

- Aniya, naiisip niya umano ang kanyang mga anak sa bawat patak ng ulan na kanyang naririnig

- Matatandaang hindi lamang isang beses nakaranas ng miscarriagé si Kyla

- Aminadong sa tuwing nangyayari ito sa kanya, gusto na niyang sumuko ngunit nais pa rin niya umanong magkaroon pa muli ng anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal ang R&B singer na si Kyla nang maikwento niya ang tungkol sa kanyang nararamdaman sa tuwing umuulan.

Kyla, tuwing umuulan: "'Yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro"
Kyla (@kylaalvarez)
Source: Instagram

Aniya, tila ba ang bawat patak nito ay bawat hakbang ng kanyang mga supling na hindi niya nakapiling.

"'Pag umuulan po. Feeling ko 'pag naririnig ko yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro... Nandiyan lang 'yung mga anak ko. Nariirnig ko sila sa mga raindrops... Parang feeling ko footsteps nila 'yun. tumatakbo sila."

Read also

Sarah G, sa interview kay Yeng tungkol sa pagbubuntis: "sobra po akong naka-relate"

Matatandaang, makailang beses umanong dumanas ng miscarriagé si Kyla at aminado siyang labis siyang naaapektuhan nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Everytime na nagmi-miscarriagé ako, gusto kong mag-give up. Ayokong gumalaw, ayokong lumabas, ayokong may kausap, ayaw ko ng tao. Ayaw kong magtrabaho. Wala akong gana."

Gayunpaman, naikwento rin niyang nais talaga nilang magkaroon ng maraming supling. Subalit sa ngayon, isa pa lamang ang ipinagkakaloob sa kanila ng mister na si Rich Alvarez.

"Kasi gustong-gusto ko talaga ng maraming anak. Mahilig po ako sa bata e. Gustong-gusto ko po yung nagbibigay ng pagmamahal lalo na sa anak. Feeling ko kasi I have so much to give."
"In my heart, naglo-long pa rin ako for another kid. Gusto ko pa rin talaga na mabigyan ng kapatid si Toby. Pero sabi ko, kung gusto talaga ni Lord na i-bless kami with another baby, feeling ko kahit walang treatment."

Read also

Zeinab, bumisita sa kanyang childhood place matapos ang Lebanon vlog

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Kyla mula sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito:

Si Kyla ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na female R&B singer sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga naging regular na hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Taong 2022 nang maibahagi ni Kyla ang ikaapat niyang miscarriagè. Kung lahat na ito ay natuloy, lima na sana ang kanyang mga anak na kanya talaga umanong pinapangarap.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mag-ama na mas lalo umano siyang inaalagaan sa tuwing siya nagdadalang-tao. Sila umano ang pinaghuhugutan niya ng lakas tuwing nangyayari ang 'di niya ninanais mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel