Sarah G, sa interview kay Yeng tungkol sa pagbubuntis: "sobra po akong naka-relate"

Sarah G, sa interview kay Yeng tungkol sa pagbubuntis: "sobra po akong naka-relate"

- Naka-relate umano si Sarah Geronimo sa interview ni Ogie Diaz kay Yeng Constantino

- Ito ay tungkol umano sa pagbubuntis o pagkakaroon umano ng anak

- Matatandaang sinabi ni Yeng ang kanyang mga dahilan bakit hindi pa sila nagkakaroon ng anak ng kanyang mister na si Yan

- Emosyonal na sinabi ni Yeng na tila natatakot siyang maranasan ng anak ang mga dinanas niya noong siya'y bata pa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang tungkol sa naging interview ni Ogie Diaz kay Yeng Constantino kamakailan.

Sarah G, sa interview kay Yeng tungkol sa pagbubuntis: "sobra po akong naka-relate"
Sarah Geronimo (Sarah Geronimo Facebook)
Source: Facebook

Ito ay matapos na matanong si Yeng ng ilang press people kung 'ready' na raw bang magbuntis at maginig isang ina si Sarah.

'Ready is such a big word," ani Sarah. "Importante po kasi 'yan. I've watched Yeng's interview at sobra po akong naka-relate.," dagdag pa niya.

Read also

Kyla, napapanaginipan ang mga anak: "Magigising ako umiiyak, kasi 'di ko nakita 'yung face"

Matatandaang ipinaliwanag ni Yeng kung bakit ganoon na lamang nila pinaghahandaan ng kanyang mister na si Yan ang pagiging mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Siguro trumatic po talaga 'yung childhood na 'yun... Ang hirap maging mahirap, mahirap po talaga. 'Yung naririnig mo 'yung nanay mo na namomroblema. Tapos baon 'yung tatay mo sa utang. Ayaw ko talaga 'nun e. Ayaw kong mangyari 'yun, sa a akin o sa magiging anak ko. Fear ko talaga. Gusto kong maging responsableng adult. Gusto kong makatakas, 'yun yung word e," ang naging bahagi ng pahayag ni Yeng.

Bagama't alam naman nilang hindi na ito mangyayari lalo na at malayo na ang sitwasyon ni Yeng noon sa buhay niya ngayon, naroon pa rin umano ang takot.

"More on fear lang dahil naranasan mong mamroblema para sa magulang mo. Kasi ginawa naman ng magulang ko 'yung lahat ng makakaya nila. Alam ko 'yun e," paliwanag ni Yeng.

Read also

Kyla, tuwing umuulan: "'Yung mga patak ng ulan, feeling ko 'yung mga anak ko naglalaro"

Samantala, narito ang kabuuan ng pahayag ni Sarah mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Sarah Geronimo Guidicelli ang tinaguriang Popstar Royalty ng Pilipinas. Siya ang tinanghal na grand winner ng Star for A Night noong 2003. Mula noon, hindi na mapigilan ang kanyang kasikatan dahil bukod sa pag-awit, nakilala rin siya bilang isang mahusay na aktres. Noong 2020, ikinasal siya sa Filipino actor, model, singer at kart racer na si Matteo Guidicelli.

Bukod sa pagiging isang napakahusay na singer/performer, pumatok din sa takilya ang ilang pelikula nila ni John Lloyd Cruz tulad ng 'A Very Special Love,' 'You Changed My Life,' 'It Takes a Man and a Woman,' at 'Finally Found Someone'

Noong Mayo, ipinagdiwang ni Sarah ang 20 taon niya sa showbiz sa isang concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Usap-usapan ito lalo na at marami umanong nag-abang kung dadalo ang pamilya ni Sarah lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel