Kyla, napapanaginipan ang mga anak: "Magigising ako umiiyak, kasi 'di ko nakita 'yung face"

Kyla, napapanaginipan ang mga anak: "Magigising ako umiiyak, kasi 'di ko nakita 'yung face"

- Emosyonal si Kyla nang maibahagi niya ang mga pinagdaanan sa kagustuhang mabigyan ng kapatid ang anak na si Toby

- Aniya, napapanaginipan niyang siya'y nanganganak hanggang sa pagkakataong hinahatid niya ito sa paaralan

- Minsan ding magigising siyang umiiyak dahil hindi man lang niya nakita ang itsura ng anak

- Madalas din niya kasing maisip kung ano ang itsura nito sakaling naipanganak niya ito sa mundo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan ni Kyla na maiyak habang ikinikwento niya kay Ogie Diaz ang kanyang mga pinagdaanan sa kagustuhang madagdagan pa ang kanyang anak.

Kyla, napapanaginipan ang mga anak: "Magigising ako umiiyak, kasi 'di nakita 'yung face"
Kyla (@kylaalvarez)
Source: Instagram

Matatandaang makailang beses nakunan si Kyla na ang pinakahuli nga ay noong 2022.

Naibahagi niya kay Ogie na napapanaginipan niya umano na siya'y nanganganak hanggang sa paghahatid sa bata sa paaralan.

"May time po na mapapanaginipan ko parati na nanganak ako. May time na parang hinahatid ko yung anak ko sa school. Tapos magigising ako, umiiyak ako kasi hindi ko nakita yung face," pahayag ni Kyla.

Read also

John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Naiiyak ako kasi I would always wonder, ano ba itsura ng mga anak ko kung pinanganak ko sila," dagdag pa niya.

Naikwento rin niyang nais talaga nilang magkaroon ng maraming supling. Subalit sa ngayon, isa pa lamang ang ipinagkakaloob sa kanila ng mister na si Rich Alvarez.

"Kasi gustong-gusto ko talaga ng maraming anak. Mahilig po ako sa bata e. Gustong-gusto ko po yung nagbibigay ng pagmamahal lalo na sa anak. Feeling ko kasi I have so much to give."
"In my heart, naglo-long pa rin ako for another kid. Gusto ko pa rin talaga na mabigyan ng kapatid si Toby. Pero sabi ko, kung gusto talaga ni Lord na i-bless kami with another baby, feeling ko kahit walang treatment."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Read also

Sarah G, sa interview kay Yeng tungkol sa pagbubuntis: "sobra po akong naka-relate"

Si Kyla ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na female R&B singer sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga naging regular na hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.

Taong 2022 nang maibahagi ni Kyla ang ikaapat niyang miscarriagè. Kung lahat na ito ay natuloy, lima na sana ang kanyang mga anak na kanya talaga umanong pinapangarap.

Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mag-ama na mas lalo umano siyang inaalagaan sa tuwing siya nagdadalang-tao. Sila umano ang pinaghuhugutan niya ng lakas tuwing nangyayari ang 'di niya ninanais mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel