John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte

John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte

- Nakapanayam ni Julius Babao ang dating child star na si John Wayne Sace

- Sa kanilang pag-uusap ay naibahagi ni John Wayne ang kanyang buhay sa kasalukuyang wala siyang trabaho

- Hiling niya na sana ay mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makabalik sa pag-arte

- Naibahagi niyang umabot din sa sampung buwan na naging bahagi siya ng 'FPJ's Ang Probinsiyano' at malapit na rin itong matapos nang mapabilang siya sa serye

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si John Wayne Sace na gustong-gusto niyang makabalik sa pag-arte. Hiling niya na mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makapag-trabaho bilang isang aktor kagaya sa pagkakataong binigay sa kanya noon na maging bahagi ng FPJ's Ang Probinsiyano.

John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte
John Wayne Sace, hiling na makabalik siyang muli sa pag-arte (Julius Babao UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Naibahagi niyang naging maayos naman ang kanyang pagbabalik sa pag-arte sa naturang serye pero malapit na rin daw matapos ito nang mapabilang siya sa Probinsiyano.

Read also

Zeinab, bumisita sa kanyang childhood place matapos ang Lebanon vlog

Sa naturang panayam ay nakwento si John Wayne ang ilang bagay tungkol sa kanya. Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Nakaapekto raw sa kanya ang pagkawala ng kanyang lola.

Hindi naman niya nakilala ang kanyang biological father dahil hindi daw sinabi ng kanyang ina ang tungkol sa ama niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasalukuyang nasa Amerika ang kanyang nanay at may iba nang pamilya. Walong taon na rin daw nang huli niya itong nakita.

Nakilala si John Wayne Sace sa kanyang husay sa pagsayaw at pag-arte. Isa siya sa mga young actor ng Star Magic na nakilala noon. Naging bahagi siya ng all-male dance group na Anim-e kasama sila Rayver Cruz, Sergio Garcia, Mico Aytona at Mhyco Aquino.

Noong nakaraang taon, buong tapang nang inamin ni John Wayne na nakasama siya umano sa watchlist ng 'Oplan Tokhang'. Sa panayam na iyon sa kanya sa Rated K, nabanggit niyang nais pa sana niyang makabalik sa showbiz kung bibigyan ng pagkakataon.

Read also

Iwa Moto, idinaan sa pagru-rubiks cube ang lungkot: "Trying to cope with everything.."

Samantala, buong tapang na inihayag ni John Wayne ang mga naganap sa kanyang buhay nang mawala sa showbiz. Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni John Wayne ang pagkakalulong sa bisyo at iba pa pang hindi magagandang karanasan na kaakibat nito. Dumating pa sa punto na nakulong siya dahil sa naging alitan nila ng kanyang kaanak. Maging ang naranasan niya na muntikan nang makapang-holdap dala ng kawalan ng pera ay naikwento rin ng dating aktor. Gayunpaman, lahat nang ito'y labis na niyang pinagsisisihan at patuloy pa rin siya ngayon sa pagbabagong hangad para sa ikakaayos ng kanyang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel