John Wayne Sace, hiling na mabigyang muli ng oportunidad sa showbiz

John Wayne Sace, hiling na mabigyang muli ng oportunidad sa showbiz

- Inamin ng dating aktor na si John Wayne Sace na minsan sa kanyang buhay ay nalulong siya sa pinagbabawal na gamot

- Gayunapaman, dahil sa kanyang mga anak, naisip ng dating aktor na ayusin ang kanyang buhay

- Bukas din siya sa muling pagbabalik sa showbiz kung muling mabibigyan ng pagkakataon

- Nakilala siya bilang isa sa miyembro ng all-male dance group na Anim-E

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng dating aktor na si John Wayne Sace na nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot. Gayunpaman, dahil sa kanyang mga mahal sa buhay kabilang na ang kanyang mga anak, naliwanagan siyang kailangan niyang magbago.

Sa isang panayam sa Rated K kamakailan, ikinuwento ng dating aktor ang totoong pangayayri sa likod ng pagkakabaril sa kanya noong October 2016.

Ayon sa kanya, nadamay lamang siya sa nasabing insidente. Gayunpaman, inamin niyang naging bahagi siya ng Oplan Tokhang dahil na rin sa kanyang bisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos pumanaw ng kanyang lola kung saan siya nakatira, lalong naging mas matindi ang hamon sa kanya hanggang sa nawala na siya sa mundo ng showbiz.

Sa kasalukuyan, sa edad na 28, tatlo na ang anak ng aktor.

Bukas pa rin siya sa posibilidad na magbalik sa pag-aartista kung muling mabibigyan ng oportunidad.

Nakilala si John Wayne Sace sa kanyang husay sa pagsayaw at pag-arte. Naging bahagi siya ng all-male dance group na Anim-e kasama sila Rayver cruz, Sergio Garcia, Mico Aytona at Mhyco Aquino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

With TikTok App taking the internet by storm, more and more netizens share their TikTok videos. Here are some of the compilations of the funniest TikTok clips. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel