John Wayne Sace sa kanyang pagkakakulong: "Iiyak ka talaga"

John Wayne Sace sa kanyang pagkakakulong: "Iiyak ka talaga"

- Buong tapang na inihayag ng dating aktor na si John Wayne Sace ang mga naganap sa kanyang buhay nang mawala sa showbiz

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni John Wayne ang pagkakalulong sa bisyo at iba pa pang hindi magagandang karanasan na kaakibat nito

- Dumating pa sa punto na nakulong siya dahil sa naging alitan nila ng kanyang kaanak

- Maging ang naranasan niya na muntikan nang makapang-holdap dala ng kawalan ng pera ay naikwento rin ng dating aktor

- Gayunpaman, lahat nang ito'y labis na niyang pinagsisisihan at patuloy pa rin siya ngayon sa pagbabagong hangad para sa ikakaayos ng kanyang buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang na isinalaysay ni John Wayne Sace ang mga nangyari sa kanya mula nang lisanin niya ang showbiz noong taong 2006.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, inamin ni John Wayne ang pagkakalulong niya sa ipinagbabawal na gamot na talagang bumago sa kanyang pagkatao.

Inamin din niya na dahil umano sa bisyo, nakagagawa siya ng 'di magagandang bagay.

John Wayne Sace sa kanyang pagkakakulong: "Iiyak ka talaga"
John Wayne Sace kasama si Ogie Diaz (Photo: @sacejohnwayne9)
Source: Instagram

Dumating pa sa puntong limang araw siyang nakulong dahil sa nakaalitan niya ang isa niyang kaanak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon, naranasan niya ang buhay ng isang bilanggo na mas lalong sumubok sa kanyang pagkatao.

Gaano man siya katapang at katatag, inamin niyang dumating sa puntong naiyak din siya sa loob ng piitan.

Isa rin sa naibahagi niya ang karanasan niya kung saan muntik na siyang mangholdap. Ngunit nang magmakaawa ang kanila sanang biktima, aminado si John Wayne na tila nahimasmasan siya at naisip na hindi siya ganoong klase ng tao.

Siya na mismo ang umawat sa isa niyang kasama na itigil ang gagawin at humingi pa siya ng dispensa sa muntik na nilang maging biktima.

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Lahat ng ito ay labis na umanong pinagsisisihan ni John Wayne. Sa lahat nga raw ng kanyang mga hindi magandang nagawa sa buhay, laking pasasalamat pa rin niyang nabubuhay pa siya sa ngayon.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Nakilala si John Wayne Sace sa kanyang husay sa pagsayaw at pag-arte. Isa siya sa mga young actor ng Star Magic na nakilala noon. Naging bahagi siya ng all-male dance group na Anim-e kasama sila Rayver Cruz, Sergio Garcia, Mico Aytona at Mhyco Aquino.

Noog nakaraang taon, buong tapang nang inamin ni John Wayne na nakasama siya umano sa watchlist ng 'Oplan Tokhang'. Sa panayam na iyon sa kanya sa Rated K, nabanggit niyang nais pa sana niyang makabalik sa showbiz kung bibigyan ng pagkakataon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel