6 Sikat na mga artista na umakyat sa mga bundok ng Pinas!

6 Sikat na mga artista na umakyat sa mga bundok ng Pinas!

Isa sa pinakamagandang adventure na gawin ay ang pag-akyat sa mga bundok at ang anim (6) na mga sikat na celebs na ito ay hindi pinalagpas ang pagkakataon upang maka-akyat rurok ng mga nakakamanghang mga bundok na ito sa Pinas.

Kaya kung may plano kayo sa susunod ninyong adventure, iready na ninyo ang inyong mga gamit at umakyat na sa mga nagagandahang mga bundok ng bansa.

At ito ang 6 sa mga kilalang artista na inakyat ang ilan sa mga nakakamangha at magagandang bundok ng Pilipinas na naispatan ng KAMI sa kani-kanilang mga Instagram accounts.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Angel Locsin

Kilala si Angel Locsin bilang isang napaka adventurous na babae at makikita rin naman ito sa mga bagsik na roles na kanyang ginagampanan kaya nga nakilala siya bilang ang multi-awarded action-drama acress.

Hinike niya ang dalawang bukid sa Batangas, Mt. Apayang at Mt. Talamitam.

2. Billy Crawford

Kilala ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia bilang mga fitness geeks kaya naman hindi na rin nakakagulantang kung nag-eenjoy sila sa sa pag-akyat ng mga bundok.

At noong ilang buwan na nga ang nakalipas, inakyat nilang dalawa ang Mt. Pulag.

3. Coleen Garcia

Noong March 2, ay umakyat naman ang dating It's Showtime host na si Coleen Garcia sa Mt. Mamara.

4. Solenn Heussaff

Umakyat rin si Solenn Heussaff sa Mount Daraitan.

5. Drew Arellano

Hindi rin pinalagpas ni Drew Arellano ang pag-akyat sa rurok ng Mt. Pulag bilang isang kilalang adventurous na tao.

6. Alden Richards

Ang pambansang bae at Eat Bulaga dabarkad na si Alden Richards ay hindi rin pinakawalan ang pagkakataon para maakyat ang Pico Del Loro.

On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel