Mayor Isko Moreno sa pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas: "Together we can do it better"

Mayor Isko Moreno sa pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas: "Together we can do it better"

- Sa panayam ni Korina Sanchez kay Mayor Isko Moreno, marami itong naihayag patungkol sa pagtakbo niya sa pagka-pangulo ng Pilipinas

- Karamihan kasi sa mga naitanong ni Korina ay sa kung paano pamamahalaan ni Isko ang buong bansa

- Gayundin ang dahilan ng pagkumbinsi niya sa kanyang running mate na si Doc Willie Ong sa pagiging Bise Presidente

- Aminado si Mayor Isko na hindi man magiging perpekto ang pamumuno niya sakaling palaring magwagi sa halalan, ngunit naniniwala siyang mas magiging maayos ito sa tulong ng bawat makikiisa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming naibahagi si Mayor Isko Moreno patungkol sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez.

Nalaman ng KAMI na diretsahang naitanong ni Korina ang karamihan sa mga nais malaman ng publiko kaugnay sa desisyon ni Isko na kumandidato sa pagka-pangulo ng bansa.

Read also

Noli De Castro, umatras na sa pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022

Isa sa kanyang nabanggit ay ang dahilan ng pagpili niya kay Doc Willie Ong na kakandidato naman bilang bise-presidente.

Mayor Isko Moreno sa pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas: "Together we can do it better"
Mayor Isko Moreno (Photo: Isko Moreno Domagoso)
Source: Instagram

Ito ay dahil umano sa maaring maiambag nito sa COVID-19 response nito sa bansa sakaling mahalal sa nasabing posisyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayundin ang saloobin ni Isko kaugnay naman sa korapsyon na minsan na niyang narinig na hindi raw mawawala sa pulitika.

Ibinahagi niyang pitong buwan niya umanong pinag-isipan kung paano mapatutunayang kayang supilin ang korapsyon at mas marami na lamang tao ang matulungan.

"I cannot promise you as I have said, and I will repeat it, I cannot guarantee you perfect government. But together we can do it better," pagtatapos ng pahayag ni Isko.

Narito ang kabuuan ng panayam na mula sa YouTube channel na Rated Korina:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

Nito lamang Setyembre 21, inihayag ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas.

Sinundan ito ng kumpirmasyon na ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ay ang kilalang doctor na si Doc Willie Ong.

Tulad ni Isko, nasabi ni Doc Willie na handa umano siyang mag-take risk sa pagtakbo niya sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel