Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers

Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers

- Sinagot ni Antonette Gail ang komento tungkol sa kanyang pagpaparetoke imbes daw na mag-aral na lang siya at mag-alaga sa anak na si Meteor

- Ani Antonette, lingid sa alam ng mga tao, nag-aaral siya ngunit sa pamamagitan ng online class at sa katunayan ay nabigyan siya ng academic award

- Sa kasalukuyan daw ay nasa second year college na siya sa kursong Marketing Management

- Sinabi niya rin na hands-on siya pagdating sa pag-aalaga ng anak kaya hindi sila kumuha ng kasambahay para sa anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Antonette Gail na sagutin ang komentong puro pagpaparetoke daw ang inaatupag niya kesa mag-aral at alagaan ang kanyang anak na si Meteor. Pinakita ni Antonette ang academic award certificate niya.

Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers
Antonette Gail, sinupalpal ng academic award certificate ang kanyang bashers
Source: Facebook

Online daw siya nag-aaral at base sa kanyang pinakitang certificate ay kumukuha siya ng kursong Marketing Management. Ayon pa kay Antonette, second year college na siya sa kasalukuyan.

Read also

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

Dagdag pa niya, hands-on siya sa pag-aalaga sa anak kaya hindi na sila kumuha ng kasambahay at tanging ang kanyang nanay daw ang napag-iiwanan niya sa anak.

Marami kayong alam na off cam at hindi ko na kailangan pang isa-isahin iyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalanan sila sa kanilang savings.

Read also

Picture nina Maja Salvador at Kim Chiu sa ABS-CBN ball, viral

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel