Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

- Kinaaliwan si Melai sa binahaging video na kuha sa ABS-CBN ball kamakailan

- Makikita sa naturang video na hindi ito magkanda-ugaga nang makaharap niya si Jericho Rosales

- Umabot pa sa puntong magtatago siya sa ilalim ng mesa matapos siyang halikan sa pisngi ni Echo

- Naging bukas naman si Melai sa publiko kahit noon pa na si Jericho ang aktor na kanyang hinahangaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video ng pagkikita nina Melai Francisco at Jericho Rosales sa ginanap na ABS-CBN ball. Makikita sa naturang video na naibahagi sa Kapamilya Entertainment Facebook page na hindi magkanda-ugaga si Melai nang makaharap niya si Jericho.

Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales
Melai Francisco, aligaga nang makaharap niya si Jericho Rosales (@mrandmrsfrancisco)
Source: Instagram

Niyakap naman siya ni Echo at hinalikan sa pisngi na talaga namang ikinabigla niya. Hirit pa ni Echo, wala raw iyon malisya.

Read also

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

Matapos ito ay napaupo si Melai at tila magtatago pa sa ilalim ng mesa kaya naman, nagtawanan ang kanilang mga kasamahan.

Naging bukas naman si Melai sa publiko kahit noon pa na si Jericho ang aktor na kanyang hinahangaan. Maging sa kanyang komento sa Instagram post ni Echo kamakailan ay kinaaliwan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel