Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"

Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"

- Sinagot ni Pokwang ang ilang komento ng netizens sa kanyang post kung saan pinakita niya ang kanyang property

- Kabilang sa kanyang sinagot ay ang tanong tungkol sa bago niyang bahay at tungkol sa dating bahay na tinirhan nila noon kasama ang ex niyang si Lee O'Brian

- Ani Pokwang, naibenta daw niya ang bahay na iyon noong nakaraang taon pa

- Dagdag pa niya, ayaw niya ng may mantsa at bakas ng kanyang ex kaya maging ang beach house nila ay ibebenta niya din

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinagot ni Pokwang ang tanong kung binenta daw ba niya ang bahay kung saan tumira sila ng ex niyang si Lee O'Brian. Ani Pokwang, noong nakaraang taon pa niya ito naibenta.

Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"
Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Ayaw daw niya ng may 'bakas at mantsa' ng kanyang ex. Maging ang beach house nila sa Bataan ay binibenta din daw niya dahil sa kadahilanang ito.

Read also

Tim Sawyer, pina-Tulfo ng babaeng nagsasabing nabuntis niya

Nabanggit din ni Pokwang na hindi pa napapadeport sa Pilipinas ang ex niya dahil nakahanap daw ito ng padrino.

Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"
Pokwang, naibenta na ang bahay: "Ayoko ng may mantsa nya at bakas"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel