Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan

Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan

- Inamin ni Derek Ramsay na noong nasa Spain sila ay nalaman nilang buntis si Ellen Adarna

- Nasa spain daw sila para sa kaarawan ng mommy ni Derek nang magpa-test si Ellen dahil na-delay daw ito

- Nung pauwi na daw sila sa Pilipinas ay nag-spotting si Ellen at nawala ang kanilang baby

- Hindi naman daw kinailangan pang magpa-raspa ni Ellen dahil maagang nawala ang pinagbubuntis nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Derek Ramsay na nalaman nilang buntis si Ellen Adarna noong nasa Spain sila. Sa video na binahagi ni Ervin Santiago ng Bandera, nabanggit din ni Derek na nakunan si Ellen.

Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan
Derek Ramsay, binahaging nabuntis si Ellen Adarna pero nakunan
Source: Instagram

Aniya, magandang regalo para sa kanila ang balitang buntis si Ellen. Gayunpaman, nung pauwi daw sila galing ng Spain ay nag-spotting na si Ellen at nakunan ito.

Read also

Maja Salvador, naikwentong napa-PT dahil sa panaginip na may hawak siyang baby

Dahil maaga itong nangyari, hindi na daw kinailangang magpa-raspa ni Ellen.

Nothing major, hindi niya kailangang magpa-raspa or anything. It was still early on in the pregnancy, few weeks lang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umaasa naman sila na sana ay sa susunod na taon ay matuloy na.

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel