Maja Salvador, naikwentong napa-PT dahil sa panaginip na may hawak siyang baby

Maja Salvador, naikwentong napa-PT dahil sa panaginip na may hawak siyang baby

- Naidetalye ni Maja Salvador ang kanyang pregnancy journey sa vlog ni Bernadette Sembrano

- Aniya, nanaginip siyang may hawak na baby dahilan para siya ay mag-pregnancy test

- Maging ang kanyang fur baby na si Duke ay tila naramdaman ito na tila nag-iiyak nang siya ay magising

- Pagpasok ng buwan ng Disyembre ay masayang ibinahagi nina Maja at asawang si Rambo ang pagdadalangtao ng aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Maja Salvador ang kanya umanong panaginip dahilan para siya ay mapa-pregnancy test at makumpirmang siya nga ay buntis.

Maja Salvador, naikwentong napa-PT dahil sa panaginip na may hawak siyang baby
Maja Salvador, Rambo Nuñez at Bernadette Sembrano (Bernadette Sembrano YouTube channel)
Source: Youtube

Sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano, naidetalye ni Maja ang pregnancy journey niya maging ang pagkakataong nalaman niya na nasa sinapupunan na niya ang panganay nila ni Rambo Nuñez.

"Bakit din ako napa-check? Kasi sabi ni Rambo, alam na alam ko na I'm pregnant, kasi nga after pagdating namin dito, two weeks after our Switzerland, sabi ko ano ba yan magtu-two and a half weeks na akong pagod na pagod. And then nag-power nap ako, si Duke na sa'kin, lagi naman katabi yun e. Tapos nanaginip ako, kung ano yung posisyon ko, may hawak akong baby. Pero nagising ako because umiiyak si Duke... Paggising ko si Duke nasa tummy ko. Tapos never siyang umiiyak," ani Maja.

Read also

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

"Kinabukasan nag-test ako, meron pero hindi dark. Faint line talaga. So sinend ko sa OB, then nag-reply siya mga tanghali, sabi niya that's early pregnancy, try after 2-3 days magda-darken na yan," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng panayam kina Maja at Rambo mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Si Maja Ross Andres Salvador na mas kilala bilang si Maja Salvador ay isang aktres, dancer, television host, producer at talent manager sa Pilipinas. Bukod sa mga pelikula at kabi-kabilang teleserye na napapanood noon sa ABS-CBN, naging bahagi rin si Maja ng Eat Bulaga.

Matatandaang minsan nang naipit si Maja sa kontrobersya noon ng Eat Bulaga. Ayon kay Cristy sa programa niyang Showbiz Now Na! inilarawan umano si Maja bilang unang tumatalon kapag lumulubog ang bangka. Gayunpaman, nasabi rin ni Cristy na unawain si Maja gayung may sapat umano itong dahilan sa mas maaga nitong pamamaalam noon sa Eat Bulaga at ito nga ay ang kanya noong pagpapakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel