Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila

- Ibinahagi ni Maja Salvador ang ginanap na gender reveal para sa kanyang pinagbubuntis na panganay na anak nila ni Rambo Nuñez

- Dumalo ang ilang malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa showbiz kabilang na si Kathryn Bernardo

- Emosyonal naman si Maja nang makita sa wakas ang gender ng kanilang baby

- Nang buksan nila ang kahon na naglalaman ng relo ay pink na confetti ang lumabas na nangangahulugang babae ang kanilang anak

Tuwang-tuwa si Maja Salvador maging ang asawa niyang si Rambo Nuñez nang makita nila na babae ang kanilang anak. Binahagi ni Maja ang video ng ginanap na gender reveal party para sa kanila.

Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila
Maja Salvador, ibinahagi ang gender reveal video nila
Source: Instagram

Marami sa mga kaibigan ng mag-asawa ang dumalo kabilang na ang ilang showbiz personalities kagaya nina Kathryn Bernardo, Alora Sassam, Loisa Andalio, Chie Filomeno, Pooh at marami pang iba.

Naluha pa si Maja nang sa wakas ay makita ang gender ng anak nila. Nang buksan nila ang kahon na naglalaman ng relo ay pink na confetti ang lumabas na nangangahulugang babae ang kanilang anak.

Read also

Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "‘Love these!’"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Maja Salvador ay isang kilalang aktres, mananayaw, at mang-aawit sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Ipinanganak noong Oktubre 5, 1988, siya ay kilala sa kanyang mga mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula. Ilan sa mga kilalang proyekto ni Maja Salvador ay ang "Wildflower," "The Killer Bride," at "Thelma."

Noong Oktubre nang nakaraang taon, extended ang birthday celebration ni Maja sa Eat Bulaga. Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage. Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma. Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon.

Read also

Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang picture kung saan nagpahiwatig siya ng panibagong simula. Kapansin-pansin din ang mga letrang CAM na naka-capitalize na nangangahulugang Crown Artist Management. Maging ang aktres na si Maja na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles. Matatandaang nauna na si John Lloyd Cruz na lumipat sa pangangalaga ng Crown Artist Management.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel