Miles Ocampo, lumipat na rin sa talent management ni Maja Salvador

Miles Ocampo, lumipat na rin sa talent management ni Maja Salvador

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Miles Ocampo ang kanyang picture kung saan nagpahiwatig siya ng panibagong simula

- Kapansin-pansin din ang mga letrang CAN na naka-capitalize na nangangahulugang Crown Artist Management

- Maging ang aktres na si Maja Salvador na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles

- Matatandaang nauna na si John Lloyd Cruz na lumipat sa pangangalaga ng Crown Artist AManagement

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Lumipat na rin si Miles Ocampo sa talent Agency na pagmamay-ari ni Maja Salvador. Matatandaang naunang lumipat si John Lloyd Cruz sa pangangalaga ng Crown Artist Management.

Miles Ocampo, lumipat na rin sa talent management ni Maja Salvador
Miles Ocampo (@milesocampo)
Source: Instagram

Sa isang Instagram post ay pinakita ni picture na may caption na "New Chapter." Kapansin-pansin din na nakasulat sa malalaking letra ang mga titik CAM. Maging sa Instagram account ng Crown Artist Management ay naka-post na rinn ang kanyang picture.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Maging ang aktres na si Maja Salvador na kilalang may-ari ng naturang agency ay nagkomento sa Instagram post ni Miles. Samantala, marami naman ang nanghinayang kay Miles dahil hindi pa rin umano ito nabibigyan ng break kahit magaling siyang aktres:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasasayangan ako kay Miles..ang galing nito umarte eh..kaso may binigyan ng dos ng project ang mga kagaya ng pbb ex hmts.
Magaling siya pero mas nabibigyan ng break yung mga galing pbb to think homegrown talent siya. Sana mas mas magbloom career nya with her new agency
Who knows baka maging Dimples Romana or Jodi Sta. Maria in the future.

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Si Miles ay kilalang malapit sa mag-iinang Kris Aquino, Bimby at Joshua. Sa katunayan ay maging si Kris ay palaging nagsasabi kung gaano niya kamahal si Miles. Tinuturing nila itong parang kapamilya nila. Kaya naman, ikinabigla niya at ikinalungkot ang paglabas ng fake niews na nabuntis umano siya ng isa sa mga anak ni Kris.. Agad niya itong inalmahan at pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa pinapaniwalaang mga balita.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel