Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video habang nagpapagaling

Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video habang nagpapagaling

- Nagbahagi ng bagong TikTok video si Gardo Versoza matapos ang kanyang pagpapaopera kamakailan

- Sumayaw sila kasama ang ilang mga staff ng ospital habang siya ay sumasailalim sa cardiac rehab

- Matatandaang ibinahagi kamakailan ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na inatake siya sa puso at sumailalim sa operasyon

- Marami naman ang naghayag ng kanilang dasal at mensahe ng pagsuporta sa mabilis na paggaling ng aktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Gardo Versoza ng bagong TikTok video habang kasalukuyang nagpapagaling matapos atakihin sa puso kamakailan. Sumayaw siya nang nakaupo sa wheelchair kasama ang iba pang medical staff.

Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video habang nagpapagaling
Gardo Versoza, nagbahagi ng bagong TikTok video habang nagpapagaling (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Bilang kilala na mahilig sumayaw at gumawa ng mga TikTok dance trends, marami ang natuwa na ginagawa pa rin nito ang bagay na kanyang gusto. Marami naman ang naghayag ng kanilang dasal at mensahe ng pagsuporta sa mabilis na paggaling ng aktor:

Read also

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

We love u cupcake! Lagi mo kmi pinapasaya. Pagaling ka po. Will pray for your recovery.
God is good. This is really a heart-warming message to all, relax because God is there to save and love you always.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Oh! Ayan! Hahahahuhuhu napaiyak aq sa tuwa . I missed this... As you call everyone cupcakes... Go lang on the road to a much better situation. I say my prayer for you

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows. Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Read also

Sabina Barretto, pinasalamatan sina Claudine Barreto at Raymart Santiago

Matatandaang naisugod sa ospital si Gardo dahil sa atake sa puso at nalampasan naman niya ang naturang pagsubok. Naibahagi ng kanyang asawa ang picture na kuha sa ospital matapos niyang makarekober sa atake at nagpapagaling. Nagpasalamat si Gardo sa kanyang asawa, sa Panginoon at sa mga doktor na tumulong s akanya.

Matapos nga niyang ma-ospital at maadmit sa ICU dahil sa atake sa puso, naibahagi ng kanyang maybahay na si Ivy Vicencio na nakalabas na sa ospital si Gardo. Gayunpaman, may gagawin pang angioplasty sa kanyang mister sa susunod na dalawang buwan. Sa post ni Ivy, makikita ang pagdalaw ni Gardo sa isang simbahan para magsimba. Nakasakay pa rin ito sa kanyang wheelchair.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel