Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

- Game na game si Gladys Reyes na mag-fast talk habang siya ay naghu-hula hoop

- Habang sinasagot ang mga mabibilis na tanong ng kanyang 'Tito Boy' kasing bilis din ang ikot ng hula hoop ni Gladys ang kanyang sagot

- Maging si Boy Abunda ay sumubak din na mag-hula hoop at hindi nagpahuli sa pag-arte kasama si Gladys

- Sa ngayon, dalawa ang pelikula ni Gladys Reyes sa Summer MMFF 2023, ang 'Apag' at ang 'Here comes the groom'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang kahit saan, game na game si Gladys Reyes sa pagtuturo at pagbibigay niya ng sample sa kung paano mag-hula hoop na isa sa mga hinahangaan din sa kanya kamakailan.

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kahit pa nakasalang siya sa Fast Talk ni Boy Abunda, maayos pa rin niyang napa-iikot ang kanyang hula hoop na hindi bumabagsak.

Read also

Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"

Habang bumabato ng mabibilis na tanong bi Boy, mabilis itong nasasagot ni Gladys habang patuloy ang kanyang pag-hula hoop.

Bago pa ito, naikwento rin ni Gladys ang tungkol sa mga kaganapan sa kanyang 45th birthday kamakailan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nag-ala concert queen kasi siya roon kung saan 15 na mga 90's songs ang kanyang inawit.

"Saka sa akin noon sinasabi ko sa mga guest ko, oy walang pakialaman ng trip ah? at tito Boy ah, birthday concert 'yan tingnan mo naman, bumibirit ako diyan," makulit na naikwento ng orihinal na Clara sa teleseryeng 'Mara Clara.'

Narito ang kabuuan ng masaya nilang talakayan ni Boy Abunda:

Si Gladys Reyes ay isasa mga kilalang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niya nakilala at nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Read also

Maris Racal sa 'medyo' malabong pic ng fan: "Hope to meet you again soon at gandahan natin"

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila negosyo habang si Gladys naman ay may dalawang pelikula sa Summer MMFF 2023, ang 'Apag' at 'Here comes the groom.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel