Maris Racal sa 'medyo' malabong pic ng fan: "Hope to meet you again soon at gandahan natin"

Maris Racal sa 'medyo' malabong pic ng fan: "Hope to meet you again soon at gandahan natin"

- Napakomento si Maris Racal sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood ng Summer MMFF 2023 Parade of Stars

- Makikitang blurred lahat ng kuha ng fan sa mga artistang nakasama niya sa picture

- Bukod kay Maris, malabo rin ang kuha ng ng fan na nakasama sa larawan sina Enchong Dee at Kylie Padilla

- Kaya naman hiling ni Maris na makita muli ito upang maayos silang makakuha ng picture

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang mapakomento ni Maris Racal sa mga larawang kuha ng isang fan na nanood sa kanila sa Summer MMFF 2023 Parade of Stars.

Maris Racal na 'medyo' malabong pic ng fan: "Hope to meet you again soon at gandahan natin"
Maris Racal (@mariesteller)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod kay Maris, nakapagpa-picture pa naman sana ang fan na ito kina Enchong Dee at Kylie Padilla.

"Walang naitamang shot si teh! hope to meet u again soon at gandahan natin," na may kasamang crying emoji ang nai-tweet ni Maris at naibahagi ang post ng Questubers kung saan makikita ang mga larawang halos hindi na makilala ang mga artistang kasama sa picture ng naturang fan.

Read also

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

Samantala, makulit namang nagkomento ang ilang netizens at sinabing malinaw ang larawan ng fan gayung sa kanya umano ang camera na ginamit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito pa ang ilan sa mga makukulit na komento ng netizens:

"Picture nya yan eh syempre malinaw sya jan HAHHA"
"Fun Fact: nagse-selfie lang talaga siya, napadaan lang kayo"
"Mahalaga malinaw naman ung kuha nya sa sarili nya. Hahahahaha"
"Na-excite lang si ate, kayo naman"

"Malay niyo, dahil diyan ma-meet pa ni Ate ang mga ka-picture niya kasi ipapaulit ang kuha na mas maganda at mas malinaw"

Si Mariestella "Maris" Cañedo Racal ay isang 25 anyos na aktres, singer-songwriter, host, vlogger at endorser sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong 2014 matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: All In. Lumaki siya sa pamilyang mahilig sa musika at natutong tumugtog ng gitara sa murang edad. Kaya naman hindi kataka-takang mabilis silang nag-click ng boyfriend na si Rico Blanco.

Read also

Kris Aquino, patuloy ang pagbuti ng lagay base sa bagong post ni Mark Leviste

Taong 2021 nang maisapubliko na nina Maris at Rico ang kanilang relasyon. Matatandaang sa kabila ng kanilang age gap, marami ang kinilig at naging masaya para sa kanila. Hanggang ngayon, going strong sina Maris at Rico.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel