Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"

Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"

- Masayang ikinuwento ni Galdys Reyes kay Boy Abunda ang kaganapan sa kanyang 45th birthday

- Nagmistulan umano itong concert dahil 15 songs ang kanyang inawit sa party

- Ang masaya pa rito, wala sa mga bisita niya ang umuwi at talagang tinapos ang kasiyahan

- Bukod umano sa pag-hula hoop, videoke ang pantanggal niya ng stress kaya naman nagawa niyang kumanta rin sa kanyang party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa napag-usapan nina Boy Abunda at Gladys Reyes sa 'Fast Talk' ay ang tungkol sa mala-concert na birthday party ng aktres.

Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil naghanda si Gladys ng 15 songs sa kanyang party na talagang tinapos ng kanyang mga panauhin.

"Saka sa akin noon sinasabi ko sa mga guest ko, oy walang pakialaman ng trip ah? at tito Boy ah, birthday concert 'yan tingnan mo naman, bumibirit ako diyan," makulit na pahayag ni Gladys.

Read also

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

"Kasi tito Boy in real life, ang hilig ko talaga mag-videoke. Isa 'yan sa pampatanggal ko ng stress. At syempre, hindi naman talaga ako 'yung professional singer yung boses ko. I can sing. Nakaka-carry ako ng tune ano. Pero sa'kin, galing na galng ako sa sarili ko e birthday ko bakit ba... At 90's ang mga theme ko non. Nagulat naman ako yung mga bisita ko walang umalis, tinapos nila 'yung concert ko 15 songs tito boy ah," ayon sa original na Clara sa teleseryeng Mara Clara kung saan siya unang nakilala sa husay niya sa pagiging isang kontrabida.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng masayang talakayan nila ni Boy Abunda:

Si Gladys Reyes ay isasa mga kilalang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niya nakilala at nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Read also

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

Sa unang naiulat ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila negosyo habang si Gladys naman ay may dalawang pelikula sa Summer MMFF 2023, ang 'Apag' at 'Here comes the groom.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel