Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

- Nabanggit ni Gladys Reyes ang papuri niya sa Kapuso actress na si Barbie Forteza

- Ito ay matapos niyang masabi na totoo ang mga pananakit na nagagawa niya sa kapwa artista at isa na rito si Barbie

- Aniya, kinakausap naman niya ang mga kaeksena bago ito gawin lalo na at madalas kontrabida ang kanyang role

- Paliwanag ni Gladys, mas magadang totoo ang pasakit para makuha ang tamang emosyon nila para sa eksena

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napuri ng kilalang mahusay na aktres na si Gladys Reyes ang umano'y paghanda niya sa Kapuso actress na si Barbie Forteza.

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"
Gladys Reyes and Barbie Forteza (GMA Network)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na minsan na kasing nakatrabaho ni Gladys si Barbie sa seryeng Inday will always love you.

Ayon kay Gladys, makatotohanan kasi ang umano'y mga sakitang nagagawa niya kay Barbie na nagagawa niya bilang tawag ng eksena.

Read also

Gladys Reyes, nag-concert sa kanyang birthday party: "'Yung mga bisita ko walang umalis"

"Sa totoo lang tito Boy, mas magandang hindi nandadaya. 'yung mga sakitan namin, I've worked with Barbie Forteza, bilib na bilib ako sa batang 'yan kasi 'yun talagang sinasaktan ko siya, totoo! Totong sampal, Nasasaktan talaga 'yung bata. Kasi naman doon mo maka-capture 'yung totoong reaksyon e," ano Gladys.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naturang interview din niya nabanggit na nais niyang makaeksena si Vilma Santos at matagal na raw niya itong nababanggit. Natanong kasi siya ni Boy kung sino sa mga artista ang nais niyang makasabunutan ngayon at ang 'Star for all seasons' ang kanyang naisagot.

"Gustong-gusto ko 'yung pelikula nilang anak, kasi siyempre Ate Vi 'yan. Gusto ko talaga maramdaman paano ko aapihin si Ate Vi. Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandun na ako? Baka hindi ko magawa 'yung talagang eksena pero siyempre challenge accepted," paliwanag ni Gladys.

Read also

Gladys Reyes, kumasa sa Fast Talk ni Boy Abunda habang naghu-hula hoop

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Boy Abunda:

Si Gladys Reyes ay isasa mga kilalang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niya nakilala at nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Isa ang samahan nila ng kanyang mister ang labis na hinahangaan sa showbiz. Sa loob ng 30 taon nilang pagsasama, bilang magkasintahan hanggang sa sila ay ikasal, nananatili pa ring matatag ang kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel