Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "Love these!"

Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "Love these!"

- Kabilang si Jericho Rosales sa mga nagkomento sa ibinahaging pictures ni Kim Jones sa Instagram

- Kinakiligan ng netizens ang kanilang sagutan sa comment section ng post ni Kim sa kabila ng balitang hiwalay na sila

- Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng isa sa ninong nila sa kasal na taong 2019 pa sila naghiwalay

- Gayunpaman ay maayos daw ang kanilang paghihiwalay at nanatiling malapit na magkaibigan ang dalawa

Kinakiligan ang komento ni Jercho Rosales sa post ni Kim Jones sa Instagram. Ito ay sa kabila ng lumabas na balitang hiwalay na sila noon pang 2019.

Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "Love these!"
Jericho Rosales sa mga pictures ni Kim Jones: "Love these!"
Source: Instagram

Inihayag ni Jericho ang kanyang pagpuri sa post ni Kim kung saan makikita ang kanyang mga larawan. Sinagot din ito ni Kim.

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ng isa sa ninong nila sa kasal na taong 2019 pa sila naghiwalay. Gayunpaman ay maayos daw ang kanilang paghihiwalay at nanatiling malapit na magkaibigan ang dalawa.

Read also

Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"

Wala namang pormal na pahayag mula sa dalawa kasunod ng paglabas ng kumpirmasyong ito mula sa isang taong malapit sa kanila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya kay Kim Jones na isa ring kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Matatandaang matapos lumabas ang bali-balitang buntis na si Kim Jones, isang video ang ibinahagi ni Echo. Taliwas sa naunang lumabas na video na tila may nakaumbok sa tiyan ni Kim, makikita sa panibagong video ang maliit na bewang nito. Marami sa mga netizens ang nabigla dahil marami ang umasa na sa wakas ay magiging mga magulang na ang dalawa. Gayunpaman, nauna nang nasabi ng mag-asawa ang kanilang dahilan kung bakit ayaw pa nila magkaanak.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang Mr. M, naibahagi ni Ogie Diaz ang kanyang karanasan. Muli niyang binalikan ang panahon na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Jericho. Nag-ugat ang lahat sa kanyang naging komento tungkol sa pagsasalita ni Jericho sa isang panayam. Kasunod noon ay pinagbawalan ni Mr. M ang mga Star Magic talents na mag-guest sa kahit anong show na kinabibilangan ni Ogie ngunit sa huli ay naayos naman ang kanilang di pagkakaunawaan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel