Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"

Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng boyfriend: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"

- Bumuhos ang pakikiramay kay Katrina Halili matapos nitong mag-post tungkol sa pagpanaw ng kanyang partner

- Sa kanyang post ay inilabas ni Katrina ang kanyang pagdadalamhati sa partner na tinawag lamang niyang 'love' kalakip ang silhouette ng isang taong naglalakad

- Matatandaang naibahagi ni Katrina sa panayam kay Boy Abunda ang tungkol sa kanyang boyfriend

- Ito umano ang tumutulong sa kanya sa pag-aalaga sa anak niyang si Katie

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Katrina Halili ang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang boyfriend. Bumuhos ang pakikiramay sa kanya sa kanyang post kung saan inilabas niya ang pagdadalamhati.

Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng partner: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"
Katrina Halili, nagluluksa sa pagpanaw ng partner: "Ang daya mo love, bakit iniwan mo kami?"
Source: Instagram

Ibinahagi din niya ang picture nilang magkasama sa kanyang Instagram story. Inamin ni Katrina ang tungkol sa kanyang masayang love life sa ilang panayam pero hindi nito inilantad ang pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend.

Read also

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Bumuhos ang pakikiramay kay Katrina mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Matatandaang naibahagi ni Katrina sa panayam kay Boy Abunda ang tungkol sa kanyang boyfriend. Ito umano ang tumutulong sa kanya sa pag-aalaga sa anak niyang si Katie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito umano ang tumutulong sa kanya sa pag-aalaga sa anak niyang si Katie

Si Katie ang anak ni Katrina sa naunang karelasyon niya na si Kris, Lawrence.

Si Maria Katrina Irene Pe Halili o mas kilala bilang Katrina Halili, ay isang aktres na nakilala sa Starstruck, isang talent search sa GMA-7. Ipinanganak niya si Katrence noong September 2012.

Matatandaang binahagi Katrina ang isang pasilip sa kanyang pinagawang bahay. Siya mismo daw ay naging hands-on sa pamimili ng mga materyales at furnitures sa kanyang bahay sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Namalagi daw sila ni Katie sa bahay ng celebrity manager na si Van Sayosa sa loob ng dalawang buwan habang ginagawa ang kanyang bahay.

Read also

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

Matatandaang naging usap-usapan at palaisipan sa mga netizens ang tunay na relasyon nina John Lloyd Cruz at Katrina. Ito ay matapos ibahagi ni Katrina ang kanilang mga litrato na kasama nila maging ang anak ng aktor sa dating karelasyon na si Ellen Adarna. Sa isang Showbiz News Update episode ni Ogie Diaz, napag-alamang magkaibigan lamang ang dalawa. Ang karelasyon umano ni Katrina ang malapit na kaibigan din ng aktor kaya maging sila ay naging magkaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel