Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

- Nabanggit ni Cristy Fermin sa kanyang show na Cristy FerMinute ang tungkol sa pagpahayag ni Willie Revillame ng kanyang kahandaan sa pagtakbo bilang senador sa 2025

- Ani, Cristy siya mismo ang magpapatunay na nanunumbat daw ito kapag tumulong ito

- Dagdag pa niya, kapag tatakbo ang isang tao ay talaga namang lahat ng magaganda ang sasabihin

- Diretsahang sinabi ni Nay Cristy na wala ang pangalan ni Willie sa kanyang iboboto sa pagka senador

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diretsahang sinabi ni Cristy Fermin na hindi niya iboboto si Willie Revillame. Ito ay matapos sabihin ni Willie na handa siyang tumakbo sa pagka-senador sa taong 2025.

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"
Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"
Source: Facebook

Sa kanyang show na Cristy FerMinute, nabanggit ni Nay Cristy na mahirap yung taong tumutulong pero nanunumbat. Pinuna niya rin ang sinabi nito na susunod daw siya kung ano ang sasabihin ni dating Pangulong Rody Duterte.

Read also

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

Ani Nay Cristy, dapat ay gawin nito kung ano ang nararapat bilang isang public servant at hindi yung susunod lang siya.

Matatandaang binatikos ni Cristy si Willie matapos nitong banggitin ang nagawang pagtulong sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Kabilang si Ogie Diaz sa mga naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang dapat ay i-'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, binalikan umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon kaugnay sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ni Willie.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel