Kuya Wil sa pansamantalang pagsasara ng AMBS: "Parang natutuwa pa kayo"

Kuya Wil sa pansamantalang pagsasara ng AMBS: "Parang natutuwa pa kayo"

- Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS

- Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito

- Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS

- Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS

- Ipinaalala rin ni Willie na pawang pagtulong din ang adhikain ng mga programang mawawala tulad ng ginagawa nila sa 'Wowowin'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Willie Revillame kaugnay sa napapabalitang pansamantalang pagsasara ng Advanced Media Broadcasting System o AMBS gayundin ng mga programa nito sa ALLTV.

Kuya Wil sa pansamantalang pagsasara ng AMBS; "Parang natutuwa pa kayo"
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na sa episode ng Wowowin noong Pebrero 4, binalikan muna ni Willie ang mga nagagawa ng programang mawawala tulad na lamang ng mga naibibigay na tulong at saya ng sarili niyang programa.

Read also

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

Subalit ang masaklap umano sa nangyayari, tila marami ang natutuwa at nagagawang batikusin pa ang pagsasara ng naturang network.

"Tapos madidinig niyo lang na mawawala, hihinto, natutuwa kayo? Matutuwa ba kayo na may mga kababayan tayong natutulungan mawawalan?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Dapat nga, ipinagdadasal niyo kami na magtuluy-tuloy yung programa... Ang dami ninyong sinasabi, Buti nga sa inyo ang yabang-yabang niyo kasi!" ani Willie ukol sa mga nababasa niyang komento ng netizens.

"Anong ipinagyabang namin? Hindi ko ipinagyayabang itong ginawa namin na to. Sinasabi ko lang sa inyo itong programang ito it’s not about me, It’s about the program Wowowin," aniya.

Nilinaw din niyang wala umano siyang balak na pasukin ang pulitika lalo na at tila nalalapit na muli ang eleksyon sa 2025.

"Eh parang natutuwa pa kayo na mawawala 'yung mga programa na nagbibigay ng saya at tulong!" Sana hindi gano'n. Ako naman willing tumulong dahil sa sobrang blessed namin," ayon pa kay 'Kuya Wil'

Read also

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel niyang Wowowin:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel