Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

- Pinakita ni Willie Revillame ang pinapagawang Wowowin Studio sa kanyang programa

- Aniya, hindi totoong titigil na ang kanyang show at hindi pa siya nakakausap ng AMBS

- Ito ang sagot niya sa mga nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kanyang programa

- Nilinaw niya rin na inaayos ng estasyon ang signal para mas maraming at malawak ang coverage nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ni Willie Revillame ang balitang titigil na ang kanyang show na Wowowin. Sa katunayan ay pinakita niya ang pinapagawang Wowowin Studio.

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio
Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio (Wowowin)
Source: Youtube

Ito ang sagot niya sa mga nagpapakalat umano ng fake news tungkol sa kanyang programa. Nilinaw niya rin na inaayos ng estasyon ang signal para mas marami at malawak ang coverage nito.

“Pinangungunahan nila ang katotohanan. Kung nagbabasa kayo ng Facebook at YouTube, marami hong nasasabi ang ibang tao pero hindi naman nila alam ang katotohanan. Heto ang katotohanan: alam niyo ho ba na ang Wowowin Studio ay nag-meeting na naman kanina?

Read also

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Aniya, minamadali na ang paggawa ng Wowowin Studio para makatanggap na rin sila ng studio audience.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Heto po ang latest, minamadali na po yan para magkaroon na tayo ng audience.”

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Nagbigay pahayag si Willie Revillame ukol sa umano'y pansamantalang pagsasara ng AMBS. Apektado rin ang pansamantalang paghinto sa ere ng ilang mga programa nito. Hindi rin pinalampas ni Willie ang ilang nababasa niyang komento kung saan tila natutuwa pa ang ilan sa pagsasara ng AMBS. Sana'y inisip na lamang ng mga taong nambabatikos na may mga empleyadong mawawalan ng trabaho sa paghinto ng operasyon ng AMBS.

Read also

Ogie Diaz sa 'set aside ang pulitika' statement ni Willie: "Alamin niya muna 'yung background"

Maging si Ogie Diaz ay naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV. Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang 'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito. Kaugnay nito, nakalkal umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon. Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ng host ng Wowowin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel