Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso niya

- Nag-post si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account upang humingi ng tulong na mahanap ang isang ale

- Ito ay ang babaeng nakuhanan ng litrato na natutulog sa lansangan kasama ang mga alagang aso niya

- Inilarawan ni Shawee ang naturang babae sa picture bilang isang napakabuting ale

- Kilala ang Megastar na kabilang sa mga artistang mahilig mag-alaga ng aso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gustong mahanap ni Sharon Cuneta ang ang babaeng nakuhanan ng litrato na natutulog sa lansangan kasama ang mga alagang aso niya. Sa kanyang Instagram post ay humingi siya ng tulong para mahanap niya ang aniya'y napakabuting ale.

Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso nya
Sharon Cuneta, gustong mahanap ang ale na nakuhanan ng picture kasama ang mga aso nya (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram
Please po tulungan nyo kaming mahanap ang napakabuting Ale na ito!!! Thank you so much! Please share! God bless her - God bless us all!

Read also

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

Marami sa mga dog lovers ang naantig sa kabutihan ng ale na kahit walang bahay na matutulugan ay piniling alagaan ang mga aso. May mga natuwa din sa Megastar sa malasakit nito para sa mga taong sa tingin niya ay gumagawa ng mabuti:

Napakabuti naman ng Ale na ito❤. Babalik din po sayo ang kabutihang ibinibigay mo sa iba.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naluha naman po ako. Hoping na mahanap na po sya.
Minsan pag nkkakita ako ng ganito naiisip ko lagi bakit life is unfairsana nga mkita agad sya para matulungan mo po sya idol

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Read also

Moira dela Torre, nag-ala Tailor Swift sa kanyang makahulugang kanta sa concert niya

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel